Si Ugly Betty

Monday, September 10, 2007 ++

May nabasa akong critic na nagcomment sa palabas na Ugly Betty. Kaso, nakalimutan ko na ung link at sino ung nagsabi, basta alam ko nabasa ko un. Ganito ang point ng sinabi niya... Maganda ang Ugly Betty, kasi di tulad ng ibang shows na nagpapakita ng may isang naiiba, imbis na si ugly betty ang magbago para mag fit in sa glamorous workplace nia e, siya ang nagpabago sa mga tao. Hinde sa physical ah, sa ugali ba, parang nagkaroon naman ng puso. haha

Bakit ko binanggit ito?

Wala lang.


Haha. joke lang. Ay kasi, ilan-ilan na ang nagsasabi sa akin na ang corny ko daw. Sabi nga ng mga kabarkada ko nung High School e, ako daw ang #1 sa list ng nga corny. haha. Eh nasanay naman ako na ganun nila ako inaasar

Ngaung college, sabi ng kaibigan kong c luningning, Sa totoo lang daw, nakokornihan siya sa akin, kaya di niya ako kinakausap dati. Pero, di nagtagal, eh nagshare na din siya sa akin. Di naman daw pala ako corny, or di niya alam kung naging corny na siya.

Medyo nagulat naman ako dun. Kasi, napraning ako na baka naiinis na pala ang mga tao sa akin, at mamaya iniisip nila na ang pagiging corny ko ay epal na. Naisip ko din na baka may napipikon na sa aking mga hirit na ako nga lang madalas nakakagets.

Matagal ko siya pinag-isipan talaga. Eh kasi, di niyo po natatanung ay People-pleaser akong bata. As in. Natatakot ako sa feeling na ayaw sa akin ng mga tao, kahit nag-iisa lang ung taong un. Anyway, balik sa topic, aun, pinag-isipan ko talaga.


Eh naalala ko si Ugly Betty. Corny nga talaga ako. At mas maganda ata isipin na dahil sa akin, eh naging slightly corny na rin sila. Wala naman kasi masama sa pagiging corny. Masaya naman siya. Kahit mababaw ang kaligayahan mo, at least, madali kang mapatawa. Kasi naman sa pagtawa, di na iniisip kung anu ang nakakatawa. Eh basta ka na lang tatawa, kahit alam mong corny siya.


Kaya sana nakikita niyo rin ang kaligayahan sa mga simpleng bagay. Ang mga nakakatuwa sa mga corny na banat. Eh, wag kayo mag-alala, nag-iimprove naman ako. Pero, tanggap ko naman na corny talaga ako. Di na un maalis. =)



Ayun, kasi si Betty e.

Labels: ,


|
8:48 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.