You'll always be my...

Wednesday, February 06, 2008 ++

Last weekend, I was reminded why I so love my high school kada.

Sobrang fun and wild weekend. Pero nothing worth a segment on girls gone wild noh.

We were going to celebrate Dea's 18th birthday.

Dinner in Moa, then we went pick up Tal from a debut party, then went to buy some "drinks" and food, went to Dea's condo afterwards.

Sobrang fun talaga! Sobrang nakakamiss sila.

Highlights:

-Nakakabad trip na waiter sa Guilly's Island
-Pagpaparinig sa mga magssyotang gustong solohin ang Manila Bay.
-Best friend at Religion ni Soulja Boy.
-Rectal talks. oh, di ako nagbanggit ng name ah.
-Fight about choco mucho.
-Greeting dea at exactly 12 am.
-"Mixing" the drinks. And it taste so awful. But, ayoko ng nasasayang so kinalahati ko ung pitcher. wow.
-Nasirang kama. As in nagbend ung metal frame ng kama. So deadz.
-Kwentuhan to the max.
- Swimming!
- Surprise pastries for Starbucks for Dea. Sori naman, wala kasing malapit na bakeshop e.

Guys, I really miss you. aww. Lambing ko talaga. haha Well, since February is love month., For every week, I'll write dedications to the people I love.

Starting with Tseekhuzz. Hahaha.

Ceejei- Alam ko may mga times nagkaka-initan na tayo. Maybe because di na tayo madalas magkasama. But, always remember, ikaw ung tipong kahit magka-away na tayo, parang alam ko pa rin na dadating ung time magbabati din tayo. Remember, di totoo ung sinasabi nilang boring ka. I always enjoy our chikahan moments. At tayo na lang magkasama sa isang college, kaya siguro minsan naneneglect kita, sorry.

Mary- oi Hunyluvz, nasabi ko naman na ang aking side sa iyong choice sa lovelife. I don't care, as long as you're happy. I mean it. Hunyluvz, may kasalanan pala ako, di ko naintindihan ung kwento mo tungkol sa "ka-txt" mo. Di na kasi kaya umintindi ng utak ko. Pero, dati ko pa sinasabi, sori kung napapagbuntungan kita minsan. But, I know sa bawat pang-aasar mo e, may katotohanan naman na sinasabi ka. hehe.

Talitz- hi tal! Grabe, di naman talaga ako ung Mommy, ikaw e. Ang weird but, I listen to your opinion talaga kahit papaano. Kahit minsan, eh parang loka-loka ako, I appreciate how you keep me grounded. Haha lambing talaga. Eh tal, I appreciate ung ginawa mo nung summer, sorry kung di na ako masyado nakaka-attend ha.

Vernice- Hi verns! oi bitch ka ng bitch dyan. hehe. Sabihin mo na naman mushy to?! EH basta, just remember, di kita friend dahil fun ka lang... Wala lang, baka kasi emo ka na lang diyan sa gilid na nobody will take you seriously. at verns, dahil mahal kita, sige sa'yo na si "Jenny", kahit masakit. haha. basta, be happy. Sa akin ka na lang mgtext ng plate number lagi pag mgTaxi ka. basta text ka naman kung nakauwi ka. Kasi, malay ko ba.

Dea- Dea!!! Happy birthday. uhm, nung 3 lang pala dapat 'to. Anyway, sorry sa kama. At porket 18 ka na nagpablush on ka pa! haha. Anyway, thanks sa concern mo. At dea, thanks din sa mga pag-uusap natin sa ym. haha sabaw kasi. Nga pala dea, you need help! Bulimic! haha joke

Mish- Oi michelle! haha, Kahit sa mga pangpupuna mo, haha, hindi, basta, nakakatawa naman na sobra ang mata mo makakita. At di ko makalimutan ung sinabi mo sa akin sa text dati. Actually quote un, may message pa sa baba. haha, sa akin na lang un. Basta, thanks. nakatulong siya.

Jean- namimiss na kita. Bakit ba kasi nagtatago ka ha? hehe. Musta ka naman na? Seryoso, miss na kita. Parang ang layo-layo mo na. Parang ang dami ko nang di alam. Di kasi nagsshare! Magpakita ka nga. hehe. Miss you.

Arlaj- Hi arlaj! isa ka pa. hehe. Wala lang. Share naman kasi. Basta nagsorry naman na ako dati na di ko nasabi agad. Ang hirap kasi sabihin haha. Anyway, sana magkita tayo sa pangasinan. treat mo ko ganun. haha. miss you!

Karyl- oi socialite naming friend. Dahan-dahan ka nga lang. Wala lang. Mahirap sabihin dito, pero slow down. Parang ang dami mo masyadong kasosyalang ginagawa sa buhay. Haay, basta miss you! Sana di naman lagi kang may test tuwing magkikita-kita tayo. Ahahaha, joke.

Neil- Neil!! haha. Kahit madalas kita inaaway, or minamanyak sa pool. haha kadire! Benta talaga ang signature swim mo!hahaha. Di ko talaga makalimutan ung sinabi mo nung gradball,. Nakalimutan mo na noh?! eh Basta, Natouch ako dun. Haha. di ko lang makalimutan. Nagulat kasi ako.

Sarne- Lande!!!! haha tamad mo talaga. Sana sumama ka na lang nung weekend. Musta ka na? Haha. Wala ng ngbibigay landi sa buhay ko. Pakita ka nga. haha Parang genie lang. Basta, magkikita tayo ulit ah!


Ayon, thank you so much talaga guys.

I know kayo ung mga taong sure kong I can be myself.

Wag muna na natin pag-usapan sinu una kakasal sa atin. Nakakapraning e.

Sige.

P.S. Allergic ako dun sa drinks. Rashes all over my body at nilagnat ako. Wow

XOXO, BFF!

Labels: , , ,


|
8:40 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.