Thursday, September 13, 2007 ++
Sobrang mapaglaro pala talaga ang tadhana ano?
Kahapon pa talaga nangyare 'to, kaso, I was too sleepy to blog about it.
Shocking news talaga 'to. Di ko naman inaasahan na totoo pala talaga ang kantang "It's a small world after all."
May nadiskubre na naman kasi ako. Masaya pa naman ako na di ako late sa Ana-Phy, kasi wala pa ung prof namin.
Nung nagdidiscuss, medyo nakakasunod naman ako. Then, nagkwento ang aming prof.
Di ko na ikkwento dito ung kwento niya, di naman niya blog 'to e. Basta ang importante lang sa kwento niya ay, nabanggit niya kung paano siya umuuwi, which is, sakay lrt, baba edsa, jeep dn tricycle.
Alam ko naman na dati na taga-ParaƱaque siya. Nakwento din kasi niya sa amin dati. [Ang dami din niyang kwento pala nu? Gumawa dn kaya siya ng blog nu?]
Naisip ko lang bigla na, pareho pala kami magcommute minsan. At nasabi ko na lang sa katabi kong c Madel "Hahaha, pareho kami ng way, baka, mamaya kapitbahay ko pa lang yan c Ma'am."
Ayun na nga. Nung natapos ang discussion niya ay pinagbreak niya kami. Sa kadahilanan nga na ako ay madaldal, chinika ko c Ma'am.
Ay, Nakakashock inde ba? At first, she was just your teacher, the next moment, she is your neighbor/your dentist's sister.Ako:
Ma'am, anu po ba sinasakyan niyo papuntang UST? Taga-ParaƱaque din po kasi ako.
Ma'am: Nagjjeep ako dun sa may Caltex, para maaga. Ah, taga-san ka ba?
Ako: Ay, basta po sa better living.
Ma'am: Ah, ako kasi taga Aeropark ako.
Ako: ..... ...... ..... Ha? taga dun din po ako e.. [naiisip ko sa mga oras na 2 ay, "wth?!"]Ma'am: Oh? sang street ka ba?
Ako: Sa may Vanguard po.
Ma'am: Ah, san dun? Di na kasi ako nagagawi dun, eh sa Main lang kasi ako.
Ako: [masyado na akong shock, eh di ko na alam panu iexplain kung san ako nakatira], malapit po dun sa tindahan nila espiritu po. [Sabay tiningnan niya ang aking nameplate]
Ma'am: Ah, malapit kau ke Regalado? [Ang pamilya Regalado, ay sobrang yaman. kaya kilalang-kilala sa amin.]
Ako: Opo, tapat po namin sila.
Ma'am: Kapatid ko si Gina, diba kilala mo yun?
Ako: HA? Dentista ko po un e.. Pero kay Dra. Mopet na po ako.
Ma'am: Ah, dahil sa braces mo? Musta n nga pala mama mo? Nung mga bata kayo, di kayo masyado naglalalabas nu?
Ang freaky diba? Tinext ko pa nga nanay ko. At nasabi lang niya. Ah, cge, di ka na niya babagsak. Naging user pa talaga e nu. Kinwento ko pa sa ate ko. Pinagtawanan pa ako.
May nakausap ako, sabi niya, it's fate. Haha. Malalim ang kanyang interpretasyon. Nahirit ko din na lahat ng pangyayare ay may purpose, that there is no such thing as coincidence.
Ngayon alam ko na purpose ng shocking revelation na ito
KASI NAMAN! LAGI AKONG LATE SA ANA-PHY, 1st Subject kasi.
SO MAHIYA NAMAN AKO, kapitbahay ko lang ung prof, SIYA MAAGA, PERO AKO LATE?
nagjoke pa kasi ako e..
Labels: ana-phy, joke, late, neighbor
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.