Can we really handle the truth?

Sunday, November 11, 2007 ++

Sumagi ito sa isipan ko kagabi. Madalas kasi natin sinasabi na "The truth hurts". Pero, sinasabi din natin na "The truth will set you free".

So ibig pag sabihin nito, the truth will hurt you, but on the brighter side, it will set you free.

Honest. Yan ang madalas nakalista sa mga ideal friend or partner in life characteristics. Pero, sa totoo lang, kaya ba natin ang katotohanan?

Feeling ko, nagtatapang-tapangan lang ang mga tao. Di naman talaga natin kaya minsan ang katotohanan. Sige nga, pag pinagpalit ka ng syota mo sa mas magandang babae o mas gwapong lalake, at tinanong mo sa kaibigan niyo kung sinu ba ang mas maganda o gwapo sa inyo, matatanggap mo ba kung isagot nila e isang masaklap na "oo"?!

Malamang hindi, diba?

Pero sa mas malalim naman, ano ba ang mas masakit? Pag sinabi natin ang totoo nating nararamdaman o "protektahan" ang iba at magsabi ng kasinungalingan?

Sa tingin ko, honesty is the best policy pa rin.

Mas madali kasing sabihin mo na lang ang katotohanan, ang tunay mong nararamdaman. Kasi kung masaktan man ang sinabihan mo, at least madaling makarecover ung tao.

Kailangan pa bang gawing komplikado at palakihin pa ang problema?

Parang sa akin, mas madali atang sabihin ang katotohanan na, para isang blow na lang. Mas madali ko ng iiyak, intindihin at i-let go na.

Meron kasing mga tao na di nila kaya ang katotohanan. Parang pag sinabi nila sa'yo ang totoo nilang nararamdaman (e.g. nainlab ka sa kaibigan mo, dn ayaw sa'yo), di nila matanggap, parang, bnblock nila ung sinabi sa kanila, ang masama pa, sinisiraan nila ung taong un.

Sobra silang bitter. Okay lang sa akin ung nasaktan sila, magbitter sila. Pero sana, wag nila pag-isipan ng masama ung naging honest lang naman sa kanila.

Ung tipong sasabihin natin na baka niloko lang tayo. Isipin natin na kung mahal talaga natin sila, di natin sila iisipin bilang loko-loko dahil naging honest lang sila.

Siguro ay naguguluhan na kayo. Medyo mahirap kasi ipaliwanag.

Halimbawa na lang.

Aaminin ko, dumaan ako sa punto before na niblock ko ung sinabi niya sa akin. Hanggang ngayon di ko naalala ung sinabi niya talaga, and that is my biggest mistake [take note, biggest mistake, indi regret.]

Di ko kasi tanggap. Ang hirap naman kasi talaga tanggapin. Inisip ko after, baka lokohan lang talaga. Baka naglaro lang kami. Naloko lang ako. Baka loko-loko siya. Pero salamat na lang may mga kaibigan ako na sinabihan ako. Naging kaibigan ko rin naman siya, at unfair naman siguro sa kanya kung iniisipan ko ng masama ang character niya. May pinagsamahan naman bilang magkaibigan, at kung kaibigan talaga ako, matuto akong magtiwala sa katauhang pinakita niya sa akin.

Alam ko, mahirap tanggapin ang katotohanan pero minsan, kailangan mo lang talagang tanggapin.

Wag na nating sirain ang magandang memory na iniwan nila sa atin.

Just accept it, let it go, and move on.



Haay, ito ba ang naiisip ko pag isang araw lang ang weekend ko?

Labels: , , , ,


|
6:36 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.