Friday, February 08, 2008 ++
Kakatapos lang ng Prelims namin. Pamatay ang SHE at Ethics. Leche.
Kinakabahan na ako. Sasabay na ba ako sa Batch 2011?!
Sige para engrande ang Graduation ko if ever ano?
Eh malas ko na lang siguro pag hanggang 2012 pa ako. Hahaha.
Hay naku. Nahihiya na ako sa pamilya ko.
Ang kukulit kasi nila, di nga ako matalino. Katamad ko kasi mag-aral.
Hahaha. Nawweirduhan ako sa sarili ko kanina. Kasi ba naman sa LRT, ung babaeng nakaupo sa unahan ko. [Nakatayo ako], nakita ko may patay na buhok siya. Kating-kati akong bunutin un. Hahaha. Sense of satisfaction. hahaha
Then pagsakay ko naman ng jeep, may magsyota. Pasweet sila. Nakataas kasi kamay ni BF. Napatingin ako sa kili-kili niya. Hala, nabubutas na t-shirt niya. Kawawa naman tuloy.
Ay nagpathreading pala ako ng kilay. Wow. Inubos ng jokla ung kilay ko.
Pero, mabait ko, binigyan ko ng P20 na tip. Haha.
Ngayon, bigla ko lang naisip maghanap sa youtube. Eh di naman ako fan ng American Idol, but I do watch sometimes. At nagustuhan ko talaga last season si Blake Lewis.
Natutuwa kasi ako dun sa mga pinaghahalo-halo. Kasi siya diba ngbbeatbox habang kinakanta. May napanood pa akong video dati, violin gamit niya, hiphop tinutugtog niya. Astig diba? Ung isa naman na trip ko, ung pinaghalo niya ung ballet at hiphop moves. Kaaliw.
Anyway, ito ung gusto kong kinanta ni Blake Lewis.
Hanep talaga sa galing. Pero, siyempre, walang tatalo sa 1st winner ng AI.
Pag pinapanood ko ung mv ng A moment like this ni Kelly Clarkson. Parang ang saya ko para sa kanya. Sobrang saya kasi niya na it's her turn naman to shine.
Ekek. haha.
BBye. RLE-time na naman bukas. Tamad na ako.
Labels: American Idol, Blake Lewis, Kelly Clarkson
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.