Wednesday, September 19, 2007 ++
Mahirap talaga magkasakit, lalung-lalo na kung matapat na marami kang kailangan gawin.
Hindi ko naman inaasahan na magkakasakit ako kahapon. Hindi naman ako naulanan. Hindi naman ako nakagat ng lamok recently. Wala naman sigurong infected ng Shigella nung nagswimming kami sa Kawit, at malamang namatay na ung causative agent nun, sa tapang ng chlorine sa swimming pool.
So bakit ako nagkasakit? Sa kadahilanan lang ba na kinausap ko ang ate kong may sipon nung isang gabi? Oh, c'mon. Ang weak ko naman. Kahit di naman ako nagvivitamin C araw-araw, sipon lang dapat makukuha, eh bakit pati lagnat? Ang tapang talaga ng virus ni ate.
Nung umaga pa lang talaga kahapon, eh nahihilo na ako, feel ko tutumba na ako. Ayaw ko naman matumba bigla. Wala naman akong ganun ka-strong na kaklase na tutulong sa akin. Ay, sa chubby kong 'to, baka pati sila magkalagnat pag binuhat ako. Haha. Eh aun nga, medyo iritable na ako, kasi di na maganda ang aking pakiramdam.
Nung duty namin, sa may library lang kami. May pinapasulat lang naman sa amin. Dun na nagsimula lumala ang aking karamdaman. Ang saklap talaga. Eh masochist pa ako, mahahaba pa mga sinusulat ko. Haha.
Naluluha na nga lang ako habang nagsusulat, gusto ko na kasi talagang magpasundo. Pero, dahil coding ang sasakyan namin kahapon, imposible akong masundo ng maaga.
Bago ako umalis ng school, eh 38.7 na ang aking lagnat. Omigulay, anu nangyayare sa akin? Nahihilo na talaga ako. Nakatulog pa ako sa fx, salamat na lang, malayo pa babaan ko. Kaya di ako lumagpas.
Ito pa masaklap, pasakay na kasi ako ng shuttle. Ay, nauntog pa talaga ako. Ang galing ko talaga, di ba?
Kaya pagkaupo ko, lalo akong nabad trip. Bakit sa akin pa nangyare ito? Naiiyak na talaga ako. Nasusuka pa ako. Natanung ko na lang sa sarili ko: "Natutulog ba ang Diyos?"
Haha. Sabaw. Pero, di talaga masaya magkasakit. Pagkauwi ko, eh agad na ako nagpahinga. Di ko na inisip ang kinabukasan.
Muntik ko pang gawan ng NCP ang sarili ko. Ginawa ko na lang ay nag-vital signs. every 15 mins pa, para toxic ako.
Nagising ako ng bandang 10pm. Sobrang init ko na talaga. Eh magaling ako, nagbuhos ako ng malamig na tubig. Wow. Ang lamig. Parang hindi nursing student.
Effective ba kamo? Ah... Ayun, di ako nakapasok ng Ana-Phy at Computer kaninang umaga.
Binalak ko naman pumasok e. Kaso nung mga 1.45, nagising ako. Hindi ako makatulog. Sobrang sakit ng panga ko. Ang weird nu? Ito talaga, di na ako naluluha. Umiyak na talaga ako. Nadagdagan na naman kasi ang signs and symptoms ko e. Fever, Nausea, Headache, Panga-ache? haha.
Pero, i-congrats niyo naman ako. Mas inuuna ko talaga ang pag-aaral. Kahit hilo-hilo pa ako, at kahit di pa ako nag-aaral todo. Pinilit ko pa rin mag quiz sa CHN. Mabuti ng mababa sa quiz, wag lang 0, di ba?
Ngaun, medyo okay naman na ako. Wala na ang lagnat. Medyo nahihilo pa. Pero may magagawa ba ako? Eh may post test na sa MP lab na naman. haaay.
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.