Career-oriented Woman

Thursday, February 14, 2008 ++

Happy Valentine's day everyone!

Ang dahilan kung bakit nagtitiis ako sa layout kong may naglalampungan.

Para lang masabi na maka-valentine's day ung blog ko.

Who said na hater ako ng holiday na ito? hahaha.

Nakakainis kanina, may ngtext sa akin ng Happy birthday. Dapat pala sinagot ko ng "Merry Christmas!" haha. Sabi pa nila Single-awareness day daw ngayon.

Ilang magsyota ba naman madaanan mo e di ka pa maging aware na single ka, ewan ko na lang.

Anyway, sobrang saya kanina ng PE. Sana ung guy na lang lagi nagtuturo, hanep sa energy!

Nanonood din kami ng basketball game ng women's against Eng'g.

Grabe parang animal mga Eng'g. I'm sorry, di naman lahat, pero may mga lalaki talaga.

As in sobra sila!

Napapasigaw na nga lang ako "Oi! Mukha kayong mga gravel!"

Haha, eh kasi bad trip, nagagalit na nga rin prof namin e.

Pero, well panalo kami, champions.

Tawa pa ako dun sa isa e. Naka-3 points kasi sila edi todo cheer ung lalake, as in talon, din bigla nadulas siya. Dulas na napahiga talaga siya. Natawa tuloy ako.

At ito pa, habang ngccheer ako eh naka-heels pa ako. Haha.

Ang sama nga namin ni Lou, kasi after the game, edi umiiyak ung ibang Eng'g players kasi talo nga. Lalapitan sana namin sabay bati ng "Happy Valentine's!"

Hahaha. Salbahe.


Pero, masaya naman na ako ng araw na 'to.

Kahit na todo in your face ang pagiging aware ko na wala man lang ako flowers. Eh okay na rin. Mabubulok din naman un at nakakataba naman ang tsokolate.

At ito pa, politically incorrect ang mga tao referring to girls with no significant others as "single"

"Career-oriented women" lang kami.

Labels: , ,


|
11:33 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.