Kailangan kong sulitin ang aking Tuition fee

Thursday, September 27, 2007 ++

Grabe, natuklasan ko na ang nasa 2nd floor pala ng Health Science Library ay marami pang libro. at may computers, with internet! yey.

Haha, binabayaran ko 'to, kaya sulitin ko na.

Kaso nakakaguilty nga naman, may reminders dito "Computers should be used for Academic and Research- related topics. DOWNLOADING, CHATTING, GAMES, FRIENDSTER, MULTIPLY AND PORNOGRAPHY ARE STRICTLY PROHIBITED."

Pero, kung iisipin natin, wala naman mali sa pagbblog ko, di naman nia sinabi yun. At di naman nacoconfine ang learning sa 4 corners ng classroom. May mga dapat ka rin matutunan sa sarili mo, intrapersonal relationship ba.


May feeling of satisfaction talaga pag nagagamit ko ang services ng UST. Feel ko kasi, sulit na sulit.

Kungwari, pag magaling ung prof, at marami naman ako natutunan. Masaya naman un. Kamahal ng tuition noh.

Isa pa, pag nagagamit namin ang mga mannequin pag nagrereturn demo kami. Mahal nga daw un, 500,000 per isang mannequin. Parang pang downpayment na ng sasakyan, o di kaya pambili ng bahay.

Speaking of return demo, pag nagdduty din kami. Lalo na pag marami kang procedures na natutunan. Sulit na sulit.


Ultimo nga ung na health service ako. Kahit namimilipit na ako sa sakit ng tiyan dulot ng dyspepsia, ay may feeling pa rin na "Yes! sulit naman."

Haha.

Ang huling halimbawa ay ung picture ko sa malaking UST. haha. Iba na rin un noh, pag pictorial session ang feeling pag nagpapic ka dun.



Oo nga pala, ung tungkol sa post ko before.

Di ako natiis ng aking ama. Kinabukasan ng gabi, pagkatapos namin mag-away, ay pinansin agad ako.

Ay, akala niya matibay siya, Sinabihan pa ako "Sige ha, ginagalit mo ko ha.."

Siya din pala unang kikibo. Sabi pa niya sa akin. "Kumain ka na?"


Eh ako. stubborn talaga. "Wag na po. Nalipasan na."


Ayun, e mahal ko naman un e kahit never kong sinabi sa kanya. Malaki lang talaga topak niya. Naiintindihan ko naman na matanda na talaga siya, kaya minsan ay mas bata pa siya sa akin.

Pero dumadating ung point na naiisip kong, pwde bang ako naman maging childish sa atin, mahirap maging mature e. Parang, ako naman pagbigyan mo maging childish. Ganun lang.


Ay oo nga pala, makikita ko na nanay ko. Yey!!

Labels: , , , ,


|
4:29 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.