Pusong Mamon

Monday, November 19, 2007 ++

Sobrang hirap na hirap talaga ako pag pamilya ko na pinag-uusapan.

Feel ko kasi, lahat ng defense ko ng pagiging masaya, unti-unting nasisira.

Nung nag-usap na kami ng ate ko sa BLD. Sabi nia..Tawa ako ng tawa pero sa loob, I'm dying na pala.

Kasi para sa akin, ayoko ng umiyak. Walang magagawa pag umiyak ako sa iba. Parang iniisip ko, kailangan ko lang gawin ang plano ko para in the end, titigil na rin ang pagluha ko.

Naiinis ako kanina. Nanghina ako. Bumigay ako.

Nakikinig pa lang ako, eh nahihirapan na ako huminga.

Dun ko na naman naranasan ang pagsikip ng dibdib ko [at take note, maliit lang ang hinaharap ko, so totoong paninikip iyon.] Huling naranasan ko un eh nung summer pa sa Ateneo.

Feel ko, at such an early age, I was taught to survive on my own. I had a lot of questions in my mind, but I had no choice but to look for the answers myself.

I'm not mad at them for forcing me to be independent at the time I needed them most. I know it was very difficult for them, especially my mom. I am her baby girl.

But still, I'm thankful for that time in my life, because I can proudly say I can somehow manage on my own.

To make it clear, I came from a broken family. Actually, para nga siyang hanging family.

But it's okay with me, since everyday I see them together,I can see that they only hurt each other, not physically but emotionally. Even at the age of 9, I already formed the idea in my head about broken families, and I was thinking, this would be the best for all of us.

Even writing about this, I can't help but cry. Kasi sobrang hirap. Sobrang bigat sa loob.

Ayoko nagsosorry sa akin ang mommy ko, kasi feel ko biniblame niya sarili niya. Iniisip ko minsan feel niya siguro dapat tiniis na lang niya, na kahit mawala na ung sarili niya. Ayoko ng ganun, di niya kasalanan.

Lagi nilang sinasabi sa akin, "Wag mo ng intindihin, isipin mo na lang pag-aaral mo."

....I'm used to my lies. I think I'm beginning to fool everyone, including myself.

Pero, di mo maiiwasan na maapektuhan pa rin.

Ang hirap pa, kasi feel ko unti-unti na nila akong iniiwan. Parang wala na akong kasama.

Madalas akong tumatawa. Madalas akong masaya. Pero, di alam ng mga tao, sa loob, nagdudusa ako ng sobra-sobra.

Minsan, pinapagod ko na lang sarili ko, para diretso tulog na. Di ko na maiisip ang mga ganung bagay.

Alam kong may plano ako para umaayos ang buhay ko. Nilalagay ko sa utak ko na un na lang isipin ko, pero tao lang ako. Bumibigay.

Natatakot din ako minsan, pag nalalaman ng mga tao sa paligid ko ang mga problema ko.

Parang feel ko, nakikita nila ako. Di ako makapagtago. Ang hirap.

"You see, I'm the bravest girl you will ever come to meet and yet i shrink down to nothing at the thought of someone really seeing me"

Labels: , , , , ,


|
9:49 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.