Naisip lang kita

Friday, September 28, 2007 ++

Dear _____,

Sabi ko, di na ako magpopost ng tungkol sa 'yo.

Pero di ko maiwasan. Naalala kita eh.

Pag naaalala kita ngayon, napapangiti na lang ako.

Sabi ko sa sarili ko kanina nung nsa shuttle ako, pag nagblog ako sa'yo, sasabihin ko na pangalan mo. Pero unfair naman sa'yo diba, privacy din. hehe.

Namimiss talaga kita. Anu pa sabihin ng mga tao. Namimiss ko kasi pag kausap kita. Eh, masaya ka kasing kaibigan naman.

Ang gulo talaga nating dalawa. Eh, parang, nagsimula sa wala, at natapos sa wala. As in, plain wala.

Iniisip ko nga minsan, baka nadala ka lang sa panglalandi ko. haha. Sori naman.

Kala ko kasi responsive ka, kaya kala ko tuloy ang landian. haha, joke lang.

Oo nga pala, sori naman kung marami kang nagastos. Sine, pagkain, sa bracelet. Eh binilhan naman kita ng cake e.

Pasensiya na sa pagfefeeling ko na pagmamadali sa'yo sa paglalaro ng DOTA. Salamat sa pagtawid mo sa akin sa nakakatakot na Edsa. Salamat din sa pagsuyo sa akin, at pag-alok na kumain tayo ng balut. Salamat sa pagiging unan ko pag nasa jeep. Pasensiya kung mabigat ulo ko. Mabigat din naman ulo mo. Salamat sa pagpapangiti sa akin. Pasensiya kung iniinis kita. Salamat sa pagpapaalala lagi sa akin na pagpatak ng alas diyes, eh matulog na ako dapat. Salamat sa pagmimissed call para tingnan kung tulog na ako. Salamat sa paghila sa akin pag muntik na ako masagasaan. Salamat sa pagtatanung kung kumain na ba ako. Salamat sa pagttxt sa akin. Ay, masaya un. At sabi ko sau dati sa text: "Salamat dahil miss mo na ako."

Oo nga pala, kung sa inyong magkakapatid, walang may favorite sa'yo. Ay, ikaw favorite ko.

Akala mo lang, ay todo kinikilig talaga ako dati. Pasensya naman. Di kasi ako sanay. At kala ko e nanaginip ako.

Sana, nag-uusap pa rin tayo. Pero un lang naman naiisip ko.

Pero, masaya pa rin ako na nasabi ko, kahit magulo, ung totoo sa'yo. Pasensiya na kung nag-expect ako.

Ito na lang, oo talaga dati, ay, feel ko first love ko un. Eh todo kilig e. Haha, nahihiya ako.

Pero, okay na ako ngayon, Wala na ako bitterness. Okay na ako na ganito lang talaga ang nangyare.

Alam mo ung quote na "It was meant to be, but unfortunately, only for a short time."

I am very happy now. Wala naman ako bago, but I am really happy.

Sana, maging magaling ka ngang piloto. Ay, kung matangkad lang ako, magstewardess na sana ako. haha joke lang.

Eh wag ka magfefeeling pag mabasa mo man 'to. Ingat ka palagi ah.


++Vianney++

P.S. Alam mo ba, pag nakakakita ako ng airplane lagi kita naiisip. Hala, ang malas ko naman, sa NAIA pa ako malapit nakatira. =)

Labels: , ,


|
9:11 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.