Bakit ang babaw ng luha ko?

Friday, October 05, 2007 ++

Uiiii.. OCTOBER na..

Fave month ko po kasi ito. Hindi dahil sa Octoberfest po ah. Dahil 10 ang corresponding number ng month na ito at sembreak pa.

Kaso, nung kahapon, nalungkot ako. :(

Kasi naman, bakit ba napakabobo ko sa english?

First subject kasi namin un kahapon, eh may impromptu speech. Nung papasok pa lang ako, eh masayahin pa ako.

Kahit na-late na naman ako, okay pa rin ako. Then, pagkapasok ko ng room, nalaman ko na kailangan ay mag-volunteer ka na lang kung gusto mo na magsalita, di na daw bunutan.

Oh crap. Nakipagbato bato pick pa ako sa kaklase ko kung sinu mauuna sa amin.

Magaling. Natalo ako.

Nangangatog na tuhod ko, kahit nakaupo pa lang ako. Tumayo ako. Akala ko nga, mapapaupo ulit ako.

Bumunot ako ng tanung. Nagdadasal na, "Sana tungkol na lang ulit sa love ang tanungin sa akin."
Ang tanong ko. "If you were given a chance to live a different life, what would you be and why?"

Omaygulay! Ano sasagot ko dito? Gusto ko ba maging Mama Mary? Gusto ko bang maging bulaklak? Ano?!!

Naisip ko bigla. Gusto ko maging Presidente. Ay ayun na lang!

Un na nga ang aking nasagot. At ito pa, 2 sentences lang ata nasabi ko. Then, I froze. Wala ako masabi. Wala akong maisip. Alam niyo ba ung sa Harry Potter? Ung deatheater? Ung pag kumakain ng kaluluwa?

Ganun ang naramdaman ko. Parang unti-unting nawawala ang kaligayahan sa kaloob-looban ko. At nararamdaman kong tila sinisipsip ang aking kaluluwa nga.

Grabe, nasabi ko na lang e. "Ma'am ayoko na, nahihiya na ako." Sabay punta sa upuan at naupo.

At naiiyak na ako nun. Naiinis kasi ako sa sarili ko. Ang bobo ko talaga sa English. Ang dami ko naman naisip talaga na sabihin, hindi ko lang maipaliwanag ang damdamin ko sa Ingles. O Diyos ko, bakit?

Naiyak nga ako. Naramdaman ko ang aking pisngi na umiinit. At bigla na lang, parang basa na siya. May luha na pala. Nainis pa ako lalo, bakit ba ang iyakin ko?

Ayoko po kasi talaga ng ganun, ung tipong napapahiya. Ayaw ko ng di ako handa. Kasi alam ko, di ko kaya magimpromptu. Ito na nga, gusto ko planado ang mangyayare.

Grabe talaga. Lumabas na nga lang ako ng classroom muna at bumili ng Pretzels sa may canteen. Comfort food baga. Naligayahan naman ako.

Kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon, ito sasagot ko.

" I've only been on this earth for 17 years. During this time, I never had a chance to handle great responsibility. So, in my next lifetime, I would like to be a President or a Prime Minister. Why would I want to be someone with so much responsibility? For the reason that I would like to have the ability to influence so many people's lives. I would be able to share what I have to say. I also want to know how it is, when my every decision would affect everyone. Also, I would like to know why some high officials are stealing the people's funds. I would like to know what it is in great power that lures them into corruption.

If maybe everyone would be given a chance like this, even just for a day, just maybe, we would understand how hard it must be for our head of the state to bear so much responsibility. And also, maybe we would learn to cooperate more, rather than complain."


Ano ba? May wrong grammar ba? haay. sa mga susunod ko ngang post. Mag-english nga ako. Sana, di ako ma-epistaxis.

Labels: , , ,


|
8:38 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.