Sunday, October 14, 2007 ++
Kanina, pagkatapos ko kumain, naisip kong manood ng tv.
Una, The O.C. ang pinapanood ko, at pinagpapantasiyahan si Seth Cohen.
Lipat, lipat channel. Napunta ako sa BBC World news Channel.
May nakita kasi akong interesting. Mga Chinese na bata, may subtitle naman kaya tiningnan ko anung meron.
Nakakaaliw naman pala. Ganito kasi kwento niya. Parang may botohan ng class monitor sa class nila, so pinapakita kung paano ung paghahanda nila and stuff.
At ito lang masasabi ko. Madumi ang politika talaga. Mga bata pa lang, anu-ano na ang nalalaman. At ito pa, tinuturuan pa ng magulang.
Ung unang bata, mukhang mayaman. Class monitor for 2 years. Ang scene nasa sala sila ng bahay nila. Si nanay at tatay ay tinutulungan ang kanilang anak na lalaki na umisip ng stratehiya para manalo. Nakaisip si tatay ng paraan. Sabi niya, yayain daw nung bata mga kaklase niya sumakay sa train. [parang LRT ba.] Sabi nung bata, Is it free?
Eh un pala, tatay niya nagmamanage nung train na iyon. So, in short libre nga.
At ayun, pagkauwi ng mag-anak. Sabi ng nanay sa anak. "Ask them if they enjoyed the trip today..then, ask them if they will vote for you now."
O diba? bongga.
Ang pangalawang bata. Chubby, mukhang di kasing yaman nung nauna. Pagkatapos ng field trip ay kinausap niya ung adviser nila, sabi niya gusto na niya magback-out, kasi naman, wala na daw siya laban, 2 na lang boboto sa kanya. Pero, sinabihan siya na wag mag-give up at humingi din ng payo sa kanyang mga magulang.
Ayun nga ginawa niya, at sinabihan siya ng nanay niya na wag mag give up, at tinuruan pa ng mga taktika.
Sabihin daw sa kalaban, A class monitor should not be a dictator, he should be a manager. Tanungin daw niya sa mga kaklase niya kung sinu mga bnbully ng class monitor na un. Grabe, kung napanood niyo lang. Parang, masyado pa atang maaga para ipasok ang mga ganung bagay sa mga bata.
Ito, may pangatlo pang bata. Babae naman ngaun, nag-uusap sila ng nanay niya. Sabi ng nanay niya, dapat daw marunong mag counter-attack ung bata pag sinasabi mga kahinaan niya. Parang ang point nung nanay e, wag lalamya-lamya ung bata. Grabe, shocking. At nag-uusap sila habang nag-iikot sa amusement park. Ironic nu?
At nung araw na ng debate nila, maraming mga magulang na nag-aabang sa labas n eskwelahan para antabayanan ang mangyayari.
At sa tingin ko ang age ng mga bata na 'to ay nasa Grade 3-4 lamang.
Naaalala ko mga ginagawa ko nun. Naglalaro pa ako ng barbie at polly pocket.
Grabe na nga daw ang mga bata ngayon. Sobrang dami ng alam. Medyo tumataas na rin ang expectation sa kanila. Kung dati, palaro-laro lang sa may kalye, ngayon may mga hobbies ng maiituturing, tulad ng taekwondo, ballet, piano lessons, singing lessons, dance lessons, minsan pa nga meron pa diyan ung pagtuturo ng advanced math sa kanila.
Di pa diyan kasama ung kaalaman sa teknolohiya tulad ng cellphone at computer, meron pa diyan, ipod.
Baka nakakalimutan niyo, meron pa silang school work.
Para sa akin, wala naman masama sa pag-eexpose sa mga bata sa mga maaari nilang pagkalibangan. Kasi ang sports or hobbies ay maaari din magturo ng disiplina sa bata.
Sana lang, hindi masyadong mapressure ung kabataan. Parang, let them enjoy lang. Just let them be kids lang.
It doesn't mean din na we should talk to them like they're stupid. They're not. For me, try to explain things with the words they already know.
Pwede na ako maging nanay? haha. joke lang. baka ako naman sabunutan ng nanay ko. :P
Labels: childhood, kids, patience
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.