Wednesday, October 10, 2007 ++
Grabe. Iniisip ko kanina, fave day ko 'to.
Kahit may kamalasan na nangyayare sa akin, iniisip ko, at the end of the day, everything will turn out to be okay. Pero, mali pala. Grabe.
Ito ang mga dahilan kung bakit ako bad trip:
- Nakalimutan ko kung birthday ba o hindi ng isa kong elementary friend. Kasi last year nakalimutan ko na siya batiin, then ngaun di ko maaalala. As in sobrang nadedepress ako ngayon. Nasa reminders ko kasi siya sa dating phone ko. Eh nasa ate ko un, at may duty pa siya, so malamang, di ko pa mababati ung kaibigan ko. Grabe talaga. Sori talaga pag nababasa mo 'to. Alam mo naman ako, makakalimutin talaga ako. Ayoko naman igreet ka na di mo pala birthday, pasensiya ka na talaga.
- Isa pang tungkol sa kaibigan, Di ko maintindihan talaga. Nababanas talaga ako. Right now, Hindi ko alam kung saan sisimulan. Dati, iniintindi ko naman, na may bago kang friends, Nung 4th yr naaalala mo ba? Ung tipong every lakad ng barkada, eh wala kayo? alala mo na? Naging bitter ako nun, pero, wala naman ako sinabi na. At ngayon, Gumagawa naman ako ng paraan ah. At kanina, malabo kaya mata ko, paano ko kaya kayo makikita. At grabe, tntry ko naman to make it work diba? I wanted to go with you guys to study, pero anu pa sinabi mo na paguilty effect pa eh. Parang it was not enough na naguiguilty na nga ako, dagdagan mo pa. Okay, fine, MAKE ME CHOOSE NA LANG LAGI. Ganun ba? Lagi na lang ako mamimili, and if i don't choose you guys, ako ang lumalayo. Sana alam mo feeling ko, since nasa ganito ka namang sitwasyon dati. Grabe talaga. Ayoko na.
Medyo nahihirapan na ako gumawa ng bakit ako masaya ngayong araw. Pero, sabi nga nila, At the end of each day, you must recall at least one thing that made you happy. Kahit mababaw ang mga 'to, cge.
- Nakasabay ko c ex-crush sa jeepney. Di ako stalker. Hindi siya nagfeeling, Yey.
- Nakapaginternet ako sa main lib.
- Nag-aral ako ng MP lec. 4 down, 4 more chapters to go.
- Nagtext ang nanay ko ng encouraging words. Naiyak ako, at mas napressure, kasi naman, sobrang fan ko ata siya. And she thinks I can pass Micro-Para. Sana lang. [lou at bart, di ako ampon.]
Ayan, mas marami ang dahilan kung bakit ako masaya, pero natatabunan ng kalungkutan, Bakit ba.. haay. Nakakawalan gana.
Labels: fave day, friend, nanay
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.