Save the Earth

Saturday, October 06, 2007 ++

Aalis pala c ate. Akala ko kasi, na since nagluluto-luto pa siya ng spaghetti na nilunod sa hotdog at ng sinasabi niyang may cheese fondue ekek niya na may white wine. [btw, uminom ako ng white wine, mga isa't kalahati.. o dalawa na ata un na baso. at sinubukan ko mag-aral. Kalokohan pala un. Nahilo kasi ako.]

Then, bigla na siyang umakyat, naligo, at pagkababa e nakapang-alis na siya. Naka-green shirt at pants, at nakaslippers pa.

Sabi niya sa akin "Pag may tumawag, nasa Dasma ako."

Naisip ko na lang. Makikipagdate na naman si ate. Pinagsinungaling pa ako.

At tama ang aking hinala, ilang minuto lang ay dumating na c Kuya. At ito, naka-green din siya.

Anu ba 'to? Couple's outfit?

Sabi na lang ni ate "Nakakainis ka naman, hon e. Bakit ka naka-green din?"

Kuya "Alam mo naman ito susuot ko e."
Ate "Hindi ko kaya alam."

Ako "Sasayaw ba kayo sa piyesta at may costume pa kayo?"

Humirit naman c kuya "Destiny 'to."

Haha. Pumanchline pa e.

Pero, nakakaaliw talaga. Ilang beses na nangyayare sa kanila ang bagay na 'to.

Totoo nga kaya un? Pag may minamahal ka na e, parang nagkakapareho na kayo ng iniisip minsan? Tipong pag aalis kayo e, subconsciously mong napipili ang kulay na naiisip din susuotin ng bf/gf mo?

Do soulmates really exist? Is there really a thing called destiny?"

Ui english un. Haha. Pero, come to think of it merong mga pangyayare minsan na nakakagulat. Parang it's written on the stars or something.

NBSB pa kasi ako, kaya di ko alam ang feeling ng ganito.

Nagkatanungan kami kahapon, "How do you want to meet your soulmate?"

Napaisip ako dun. Ang sagot ko, gusto ko siya makita kung kailan sobrang gulo ng araw ko. Kung kailan sobrang daming nangyayare sa aking masama ng araw na iyon. Ung tipong mukha na akong wasted. Pero ung moment na makita ko siya e parang lahat ng kamalasan ko eh unti-unti kong maiisipan ng solusyon.

O dba? Masaya sana iyon. Naaliw nga ako sa kwento ng isa kong kaibigan.

Akala daw niya, soulmate niya ang kanyang best friend dati. Kasi nung nakita daw niya un, Bigla na lang parang ngslow motion lahat ng bagay at nagconcentrate ang pangyayari sa kanila. Baka ngwapuhan lang talaga ung kaibigan ko dun. Haha, joke lang.

Wow. Magical. Hindi ko maiwasan maisip na sana mangyare din sa akin un. Not exactly right now, kasi I still stand by choice to stay single.

Pero at some other time, naiisip ko na sana, maging magical kahit papaano ang mangyare sa akin. Sana meron ngang soulmate na nag-eexist.

Iniisip ko pa nga minsan na, sana friends kami ni Destiny. Baka kasi maging bias siya sa akin. Hehe.

Pero, naniniwala ako na dadating din ang panahon na bubuksan ko ang pinto ng bahay namin, at makikita ko ang magkakapareho ko, at malay niyo maging motto namin.. SAVE THE EARTH.

Pwde rin namang HEART'S DAY.

O di kaya. BLUE'S CLUES.

Labels: , ,


|
4:46 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.