It's either you got it or you don't

Tuesday, October 16, 2007 ++

Grabe. Mukha ba akong nanay ng mga bata?


Kasi kanina, sinundo namin ung mga pamangkin ko sa panganay.[nakakadugo ng ilong ung school nila, puros english! pati ung mga yaya. Ay, mga kabarkada ata ni Inday un,] Unang lumabas ung bunsong babae. So ayun, naglalaro kami and stuff. Then, lumabas ung class ng ate niya.

Tahimik kong binabantayan ung mga pamangkin
Bigla kong naramdaman na may kumuha ng kamay ko.

Then, may laway.

Ay hinalikan nung batang lalake na kaklase ng pamangkin ko ung kamay ko.

Nashock talaga ako. Sabi ko na lang.. "Hi.."
Wow, mula sa sinaunang panahon ata ang pag-iisip ng batang ito.
Romantic?!

Sabi niya sa akin "Hi." Then nagsmile.

Nagulantang talaga ako nun.


May isang pangyayare din nung 3rd year ako. Tumatambay kasi kami minsan sa isang bilyaran/computer shop noon. Eh may mga batang suki dun. Minsan nakalaro naman sila ng Counter strike. May isang batang lalake din dun, tinanung pa nga niya pangalan ko. Siya si Joey.

Nung minsan na pauwi na kami. Ako, si "E" at si "Ve". Naglalakad na kami sa tahimik na kalye. Biglang may sumigaw. "Vianney!!!!!!"

Omaygulay, Sino ung batang iyon? Una di namin pinansin. Biglang may sumigaw pa.

"VIANNEY! LARO PA DAW KAYO NI JOEY!!!"

Pinagtatawanan na ako ng kasama ko. Ako'y napraning. Stalker 'tong batan ito ah. Gusto kong sumigaw na, LUBAYAN MO KO MASAMANG LOOB. Ahahaha. Pero since bata nga, baka wala lang kalaro.

Ve: Vian, sabihin mo, uwi ka na.
Ako: Uwi ka na!
Ve & E laughing. Ako, naguluhan.
Ve: Ano ba Vian?! Ikaw na ung uuwi! Anu yan? Manliligaw mo pinapauwi mo na?
Ako: Ay mali! Uwi na ako!

O_O Grabe diba? Mula noon. Inde. Bumabalik pa rin kami sa tambayan namin nu. Malamang.
Pero di ko na masyado nakikita si Joey, eh di ko na rin siya napapansin naman.


Isa pang sitwasyon.
Gumagawa kami ng proyekto sa bahay ng aking kaklase nung 4th year. Eh may pinsan siyang batang lalake.

Ayun nasa sahig kami, at nananahi pa ako. Biglang naglabas ng water gun ang nabanggit na pinsan, at ako ang pinuntirya. Hindi naman as in splash. Parang drops drops lang ng tubig.

Ako naman, nahihiya ako magalit. Sabi ko sa kanya. "Eh wala akong dalang damit, bawal ako mabasa. Next time na lang tayo maglaro."

Tumuloy pa rin siya. Ung mga kaklase ko nakatingin lang sa akin. Hindi rin alam gagawin. Lumapit ako sa kaklase ko at sinabi ko na ang pangungulit ng pinsan niya. Ayun, napaakyat tuloy ung bata at pinatulog na ata. Ewan ko ba. Mukha ba akong di naliligo? O_O

Natawa na lang ako sa forwarded message ng aking hunyluvz.
Do u hav sex appeal? hir's a simple experiment: Go 2 a place crowded with children. stand or sit in one place w/o making any effort 2 b noticed. f children smile at u w/o calling their a10tion,u've got sex appeal. d theory's dat children's emotions r spontaneous coz dey haven't experienced yet emotional disturbances unlike adults. ur bf/gf may lie, but a child won't...

Hahaha. Forwarded message lang naman. At well, theory lang. hahaha.

Labels: ,


|
5:05 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.