If no one is around you, say "baby I love you"

Saturday, December 01, 2007 ++

Sayang talaga kanina, di man lang kami nakapasok sa loob ng Delivery Room. Last day pa naman namin for this shift, next punta namin dun, tipong 4th year na.. aww..

Sobrang enjoy naman ang last day namin. Fun kasi si Mam Tanodra. Nakakaaliw talaga si mommy. hahaha. Inaasar kasi nila ako kamukha ko daw. Nag grocery pa nga si Mahal ng pandesal, cheese whiz at eden cheese. Parang nagbibigay lang kami ng rasyon ng pagkain kanina sa nasalanta ng bagyo. Nakakaawa nga lang si Faith, kasi nagsusuka siya :(

Anyway, kung di lang sa mahirap na test eh perfect na sana araw ko. Haha. Pero, it's still okay kasi, I didn't even study, pero 38/70, ay... Nakakahiya pala un.

Eh basta masaya naman dahil maraming pictures. Ako na walang camera eh maraming pictures, Inangkin ko kasi cam ni Francis e. Haha, kahit na di ko naman siya ka-RLE. At nakakapagod na photographer c Bart, parang timang lang sa kakagalaw ng camera. Professional daw kasi siya.

Sobrang FHM models pa cla Mam Abby, Mam Tanodra at Mam Matienzo. Aww. I would surely miss going to TMC. haha.

Maaga na kami dinismiss. Salamat na lang ngpaload ako, natxt ko si Ate joy at siya pala ay nasa MOA. Ayun, todo punta naman ako, kasi alam ko di niya ako matitiis at papakainin niya ako. Haha. The powers of being bunso.

Ayun, nagttrabaho kasi siya bilang consultant for Allerta, at 3 pa tapos eh may 2 hours pa ako, kaya nag-ikot muna ako sa may SM.

Napag-isipan ko ng bumili ng gifts for my dearest pamangkins. Grabe, apat na sila! 4, 3, at 2 ung ages nila, at ung isa Coming Soon this December. hahaha. Parang Next Attraction lang ung baby.

Nakamagkano din ako. Nawala ata lahat ng ipon ko. May secret pa ako, may damit kasi ng baby na kala ko terno for 89.75. Sabi ko pa wow mura. Nung pinakita ko na sa ate joy ko ung napamili ko. Nakita ko na lang magkaiba pala ang bayad sa shorts at sando. Tig-89.75 each dapat. Waaaaa. Wow. Nakamura ako. Nadaya ko si Henry Si. Nahihiya na akong bumalik, baka isipin nila e magnanakaw pa ako.

Nung pauwi na kami ni ate, ang kulit ng mga pinapatugtog niya. Sobrang Girl Power daw ba!
Namiss ko tuloy ate ko. Dati kasi nung bata ako, siya nagpapatulog sa akin pag siesta. Pinapatulog nia ako sa sala pero ang lakas ng radyo niya. Wow dba?

Sobrang kumakanta pa kami kanina. Feeling Destiny's Child o di kaya Pussycat Dolls lang kami. Eh epal kasi ung nabili niyang CD, putol putol lahat ng kanta. Di man lang tinatapos ang pag-eemote namin. Then meron pang Spanish version ng Irreplaceable na kinakanta naman niya sa english. Magaling siya, kungware daw tntranslate niya.

Feel na feel ko pa ang Bootylicious at Don't cha. Napapaindak tuloy ako. Baka marinig ko na naman mga kaibigan kong tawagin akong Margarina.

Speaking of bootylicious, ito ang conversation for the day ko.

Ako: Nakakainis, di man lang tayo makapasok sa loob ng DR. Sinung may balat sa pwet sa atin?!?!

Cyril [rle-mate ko] : (Syempre english) Me. I have a birthmark there.

Ako: Ha? (di dahil di ko naintindihan english nia, kala ko kasi ngjjoke xa). Seryoso ba iyon? hahahaha.

Faith/Madel [di ko sure kung sinu na sa kanila ang nagsabi] : Di nga?

Cyril: Yeah I'm serious.

Natigil ang pagtawa ko nun, seryoso pala siya. haha.

Labels: , , ,


|
7:02 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.