Lahat na lang.

Sunday, September 30, 2007 ++

Ui, ung post ko before, di po ako bitter jan. Ako ay masaya habang sinusulat yan, wala namang panghihinayang na kahit ano. Basta, ung tipong I've came to understand and accept na lang. Nakanang. kadramahang ekek naman un.


Oo nga pala, nasa MOA ako ngayon, magdinner kasi kami. Dapat nga sa Trinoma kami, kaso ung ate kong isa, taga-Cavite. Mas malapit siya dito.



Hay, sayang. Perstaym ko sana sa Trinoma haha.


Feel ko lang ah, lahat ata ng computer eh bibinyagan ko. Hanggang MOA ba naman blog pa rin inatupag. haha.


Sana di ako bumagsak bukas. Madami pa pala ako test e. Pero huwag kayo mag-alala, may dala ako reviewer ngayon. Haha, Lupet.


BBye na!!.. =D

Labels: , ,


|
5:46 PM

Naisip lang kita

Friday, September 28, 2007 ++

Dear _____,

Sabi ko, di na ako magpopost ng tungkol sa 'yo.

Pero di ko maiwasan. Naalala kita eh.

Pag naaalala kita ngayon, napapangiti na lang ako.

Sabi ko sa sarili ko kanina nung nsa shuttle ako, pag nagblog ako sa'yo, sasabihin ko na pangalan mo. Pero unfair naman sa'yo diba, privacy din. hehe.

Namimiss talaga kita. Anu pa sabihin ng mga tao. Namimiss ko kasi pag kausap kita. Eh, masaya ka kasing kaibigan naman.

Ang gulo talaga nating dalawa. Eh, parang, nagsimula sa wala, at natapos sa wala. As in, plain wala.

Iniisip ko nga minsan, baka nadala ka lang sa panglalandi ko. haha. Sori naman.

Kala ko kasi responsive ka, kaya kala ko tuloy ang landian. haha, joke lang.

Oo nga pala, sori naman kung marami kang nagastos. Sine, pagkain, sa bracelet. Eh binilhan naman kita ng cake e.

Pasensiya na sa pagfefeeling ko na pagmamadali sa'yo sa paglalaro ng DOTA. Salamat sa pagtawid mo sa akin sa nakakatakot na Edsa. Salamat din sa pagsuyo sa akin, at pag-alok na kumain tayo ng balut. Salamat sa pagiging unan ko pag nasa jeep. Pasensiya kung mabigat ulo ko. Mabigat din naman ulo mo. Salamat sa pagpapangiti sa akin. Pasensiya kung iniinis kita. Salamat sa pagpapaalala lagi sa akin na pagpatak ng alas diyes, eh matulog na ako dapat. Salamat sa pagmimissed call para tingnan kung tulog na ako. Salamat sa paghila sa akin pag muntik na ako masagasaan. Salamat sa pagtatanung kung kumain na ba ako. Salamat sa pagttxt sa akin. Ay, masaya un. At sabi ko sau dati sa text: "Salamat dahil miss mo na ako."

Oo nga pala, kung sa inyong magkakapatid, walang may favorite sa'yo. Ay, ikaw favorite ko.

Akala mo lang, ay todo kinikilig talaga ako dati. Pasensya naman. Di kasi ako sanay. At kala ko e nanaginip ako.

Sana, nag-uusap pa rin tayo. Pero un lang naman naiisip ko.

Pero, masaya pa rin ako na nasabi ko, kahit magulo, ung totoo sa'yo. Pasensiya na kung nag-expect ako.

Ito na lang, oo talaga dati, ay, feel ko first love ko un. Eh todo kilig e. Haha, nahihiya ako.

Pero, okay na ako ngayon, Wala na ako bitterness. Okay na ako na ganito lang talaga ang nangyare.

Alam mo ung quote na "It was meant to be, but unfortunately, only for a short time."

I am very happy now. Wala naman ako bago, but I am really happy.

Sana, maging magaling ka ngang piloto. Ay, kung matangkad lang ako, magstewardess na sana ako. haha joke lang.

Eh wag ka magfefeeling pag mabasa mo man 'to. Ingat ka palagi ah.


++Vianney++

P.S. Alam mo ba, pag nakakakita ako ng airplane lagi kita naiisip. Hala, ang malas ko naman, sa NAIA pa ako malapit nakatira. =)

Labels: , ,


|
9:11 PM

Maraming pangyayari.

++

Ay!! kanina pala ang 10th post ko. wow.


Eh favorite number ko kasi un.. Wala lang. hehe

AY nakalimutan ko lang ikwento, Nagkaroon ng Picture-taking at pinanood namin ang mga talentadong kaklase namin sa kanilang mga screening. Sila Camcaramcamcam [siya ung babaeng walang frenulum], Demi at Izza, sa may singing contest ba tawag dun? haha. Di ako makaisip ng term e. Basta dun sila sumali.

At ang aking Irog, si Gen, Simeon at Jino, sumali sa pre-pageant. Sana makapasok silang lahat nu? hehe. Sabi ko nga, pag di na nila alam ung sagot. Irecite na lang nila ung Vision, Mission at Core Values ng College of Nursing. Haha o dba? Ay oo nga pala. Masungit ako ngayon. Anung meron? Meron ba? Magkakaroon? DI naman e. Sabi ko nga. Kulang lang kasi ako..... sa pag-ibig. hahaha


ito pala, nakita ko sa multiply ng kaibigan ko. favorite ko 'to e. Para naman pahabol sa 10th post. espesyal. Parang ensaymada lang. haha

Put your MP3 player on shuffle and answer the following questions with the song titles.

1. How does the world see me?
:: Catch me I'm falling- Toni Gonzaga [Mga tao, mukha ba akong lampa?!]

2. Will I have a happy life?
::Ay.. baket ganun? You give love a bad name- Bon Jovi. haha

3. What do people really think of me?
:: Maalala mo Sana- Silent Sanctuary. hala, mukha ba akong ulyanin?

4. Do people secretly lust after me?
:: I didn't know I was looking for love -Sitti. Ay do i remind them of love pag nkkta nila ako?

5. How can I make myself happy?
:: Ahahaha, di ako alam ibig sabihin nitong kantang ito Perhaps love-ost ng princess hours [love ba kelangan? :P]

6. How can I make others happy?
:: If we fall in love- yeng and rj,, Ay anu daw? love ba? anu ko? c cupid?

7. What should I do with my life?
::waa.. Fall to pieces- Avril Lavigne. anu?!

8. Will I ever have children?
::Stars-Callalily, anu? kasing dami ng stars anak ko?! wag nmn po! di ako si Father Abraham.

9. What is some good advice for me?
:: wahaha. now I'm starting to like it. "I don't need a man- PCD" wag na love!! haha

10. What do I think is my current theme song?
::My boo- Alicia keys and Usher- Ay anu? may boo ako?! cnu?!

11. What does everyone else think my current theme song is?
:: Lady Marmalade- Christina A., Lil Kim, Maya, Pink, Missy Elliot. Ay Margarina na ba talaga?

12. What song will play at my funeral?
::ay, bad 3p. I love to hate you. bakit gnun?

13. What type of men/women do you like?
::cool off? bakit gnun?! anu un?

14. What is my day going to be like?
::Sa kanya- MYMP. ay sinung siya? hehe

15. Why am I here?
::Tattoed on my mind- Sitti. ayihiee.. di ako makatulog kasi.. haha

16. What will people remember me for?
::Because of you-Kelly Clarkson.. nanakit ba ako ng mga tao?

17. What song will I get stuck in my head tomorrow?
::Beautiful Liar- Shakira and Beyonce. Weh.. di naman e..

18. Are there people outside waiting to take me away?
::Wait a minute-PCD. wait daw, nag-iisip. haha.

19. What will this year be all about?
:: ay wow. Ewan- Imago. haha. wait nga lang daw kasi.


SHUFFLE TEST 2


High School is/was like…
wahaha My humps-BEP. anu? malaswa?

I'll have a good day if I can just hear…
Going crazy- Natalie. Ay bakit kaya?

What I did last night was…
Smack that- Akon.. huwat?! natutulog lang po ako kagabi..

What makes me happy is…
Girl Next door- Saving Jane anu? masaya akong manghate?! inde!!

If I got lost on a desert island, I would yell...
Fighter- Christina Aguilera. Ahaha. aja aja fighting!

My family is described by the song…
Take a look at me- Mariah Carey- hahaha, anu?

My relationship with my friends is described by the song…
yikeee!! Beautiful Girls- Jojo. hahaha. siyempre, Birds of the same feathers.. are the same birds. haha

When I'm drunk, I say…
One Way-Hillsongs United. hala. Christian song 'to e.

My love life is inspired by the song…
wahahaha, ito un e.. He wasn't- Avril Lavigne. aun un e!

Happiness is…
Stop!- Spice girls. hahaha. wag na love..

This song will be playing when I meet the love of my life…
huwat?! Thank you for loving me- Bon jovi. . anu daw? nagulat ako dun.

The best thing about me is…
You are holy (Prince of Peace)- Hillsongs United.. Christian song again. hehe..

My theme song is...
I gotta go my own way- Vanessa Ann Hudgens- ay hala, mga kanta ng mga pamangkin ko.[magsosolo ako?]

If I reached the top of Mount Everest, what I would scream is…
Summer nights-Grease Soundtrack- wahahaha, onga naman, malamig dun e..

When I'm in the shower, I sing…
Stranger- Hilary Duff. haha.

My message to the world has always been....
Mas que nada- Sitti. Ay sosyal, ibang linggwahe pa.

Will I ever have kids?...
Bagsakan- Parokya ni Edgar- anu? bagsakan ako ng bata? haha. taga-alaga ng mga pamangkin?

Somewhere in my wedding vows, I will include…
Kahapon- Silent Sanctuary.. ayihiee.. haha anu?

My friends see me as…
Fergielicious- Fergie. Sana nga kasing sexy ko c Fergie.

My ultimate song for dancing is…
Lipgloss-lil mama- haha. what you know bout me? haha.. hiphop pala ako e.

Next time I'm in front of a crowd, I'll say…
Candy Man- Christina Aguilera. haha, anu ko? naghahanap ng lalake?

My birth was like…
Miss kita pag tuesday- RJ eh wednesday ako pinanganak e. baka namiss na ako ng nanay ko nung tuesday. ha? anu? ang labo.

The story of my life is…
From the inside out- Hillsongs United. ay bagay siya in fairness..

My best friend is like…
Goodbye to you-Michelle Branch- ay hala.. wag ganun..

Behind my back, my friends think I'm...
1,2 step- Ciara. ang labo na.

My deepest secret is…
waaaaa.. anu? Falling- Keahiwai

My innermost desire is....
Stickwitu- PCD awww.. oo naman, someone na didikitan ko. haha. ng glue? haha

Labels: , , , ,


|
12:34 AM

Kailangan kong sulitin ang aking Tuition fee

Thursday, September 27, 2007 ++

Grabe, natuklasan ko na ang nasa 2nd floor pala ng Health Science Library ay marami pang libro. at may computers, with internet! yey.

Haha, binabayaran ko 'to, kaya sulitin ko na.

Kaso nakakaguilty nga naman, may reminders dito "Computers should be used for Academic and Research- related topics. DOWNLOADING, CHATTING, GAMES, FRIENDSTER, MULTIPLY AND PORNOGRAPHY ARE STRICTLY PROHIBITED."

Pero, kung iisipin natin, wala naman mali sa pagbblog ko, di naman nia sinabi yun. At di naman nacoconfine ang learning sa 4 corners ng classroom. May mga dapat ka rin matutunan sa sarili mo, intrapersonal relationship ba.


May feeling of satisfaction talaga pag nagagamit ko ang services ng UST. Feel ko kasi, sulit na sulit.

Kungwari, pag magaling ung prof, at marami naman ako natutunan. Masaya naman un. Kamahal ng tuition noh.

Isa pa, pag nagagamit namin ang mga mannequin pag nagrereturn demo kami. Mahal nga daw un, 500,000 per isang mannequin. Parang pang downpayment na ng sasakyan, o di kaya pambili ng bahay.

Speaking of return demo, pag nagdduty din kami. Lalo na pag marami kang procedures na natutunan. Sulit na sulit.


Ultimo nga ung na health service ako. Kahit namimilipit na ako sa sakit ng tiyan dulot ng dyspepsia, ay may feeling pa rin na "Yes! sulit naman."

Haha.

Ang huling halimbawa ay ung picture ko sa malaking UST. haha. Iba na rin un noh, pag pictorial session ang feeling pag nagpapic ka dun.



Oo nga pala, ung tungkol sa post ko before.

Di ako natiis ng aking ama. Kinabukasan ng gabi, pagkatapos namin mag-away, ay pinansin agad ako.

Ay, akala niya matibay siya, Sinabihan pa ako "Sige ha, ginagalit mo ko ha.."

Siya din pala unang kikibo. Sabi pa niya sa akin. "Kumain ka na?"


Eh ako. stubborn talaga. "Wag na po. Nalipasan na."


Ayun, e mahal ko naman un e kahit never kong sinabi sa kanya. Malaki lang talaga topak niya. Naiintindihan ko naman na matanda na talaga siya, kaya minsan ay mas bata pa siya sa akin.

Pero dumadating ung point na naiisip kong, pwde bang ako naman maging childish sa atin, mahirap maging mature e. Parang, ako naman pagbigyan mo maging childish. Ganun lang.


Ay oo nga pala, makikita ko na nanay ko. Yey!!

Labels: , , , ,


|
4:29 PM

Leche! Maganda na araw ko e.

Monday, September 24, 2007 ++

Maganda na araw ko e. Mataas ako sa Ana-Phy. Natapos ko ung computer work ko kahit papaano. Di pa kami nagreport sa MP lec. Masaya sa RLE, kasi umalis kami.







Pero, leche talaga. Pagkauwi ko.





Panira ng araw ang tatay ko.





Wala na kasi ako duty uniform bukas, so sinabi ko sa kanya.









Eh usually naman kasi, siya dapat naglalaba nun, Kasi naman, siya nagpaurong nung naglalaba from Monday to Tuesday na lang





Dapat ngayon may uniform na ako. Pero hindi, Pina-urong nga niya.





So sabi ko, Dadi, wala na ako uniform. Pwde palaba naman. Marami pa ako gagawin.







Sabi ba naman, bakit daw ba ang dami ko daw sinabi na gagawin ko. bla blah. Maglaba daw ako mag-isa. [eh dati naman siya talaga naglalaba pag weekdays na kailangan namin.]





Sobrang stupid niya promise. Nakakainis. Anu-anu pa sinasabi niya. porket ang dami-dami daw niya ginagawa.





Take note, walang trabaho tatay ko. tambay sa bahay. maglilinis siya, kwarto lang niya, sala at kusina, ung tipong alam niyang tutuntungan lang niya na kwarto. Ung iba, wala na siya paki.





Ang kapal talaga ng mukha. Grabe. sobrang inis ko talaga ngaun.





Then, kanina pa, nagpasundo ako sa Pan de Manila, kasi gusto ko ng tinapay.



Sabi ba naman nung bumili ako ng tinapay "Para san yan? Bakit ang dami?"





sa loob-loob ko e, kasi ung mga tinapay sa bahay, ung tipong kayo lang ang may gusto nun, di naman namin gusto ni ate un. Sarili niyo lang iniisip niyo pag nag ggrocery kau.





Leche talaga.







Babala. Iritable akong bata. Ito talaga nararamdaman ko ngayon. Kung aawayin mo ko dahil sa nararamdaman ko, wag na. Ako na bahala dun, nakakabuiset talaga.

Labels: , ,


|
8:38 PM

Mahirap naman ang lagay ko.

Friday, September 21, 2007 ++

Nahihirapan na talaga ako.


Kailan kaya matatapos itong sakit na nadarama ko?


Gagawa pa ako report e, istorbo siya sa pag-aaral ko.



Onga pala, pag nagbabasa ka. Iclick mo naman messages, kahit hi lang. Para mafeel ko naman na may nagbabasa. haha. Craving for attention



woooohooo! bye-bye! groggy na naman, 9 pa lang, matutulog na ako.. Paalam! =D

Labels: , ,


|
9:06 PM

Naintindihan ko yun!

Thursday, September 20, 2007 ++

Ang groggy ko na talaga ngayon. Ikaw ba naman ay uminom ng dalawang decongestant ngaung araw, pero bawal ka matulog.

Haay, isang malaking problema un. Sabi ko nga eh may sakit pa rin ako. Akala ko nilubayan na ako ni lagnat kahapon. Pagkagising ko eh binati din niya ako ng Good morning at 38C. Masaya 'to. Eh magaling ako, nagbiogesic na lang ako. Nawala na talaga siyaaa.. YEY me!

Kaso, may pinakilala siyang kaibigan na ayaw din ako lubayan. Siya ay si ubo. Un pala, best friends talaga c sipon at ubo. haha

Nagasgas ang laluman ko buong araw sa aking pag-ubo at nanuyot ang aking nostrils sa sobrang pagsinga ng sipon.

Yan ang nangyare buong araw. Eh ako, syempre bunso, nagtxt ako sa nanay ko, nagsumbong ako tungkol sa sakit na nararamdaman ko. Nagsumbong na din ako sa panganay kong ate, baka alam niya gagawin ko, doktora na e. Biglang tumawag ang ate ko bago sa akin. Pinapunta ako sa hospital sa may amin. Dun kasi siya nagttrabaho. Magpa-check up na daw ako sa asawa ng pinsan namin. [Doctor silang pareho.]

Pagkadating ko eh dumiretso ako sa lab nila na sobrang lamig! At dun ako pumasok, sabi niya, "Iwan mo gamit mo dyan saglit. Upo ka dito" Hala naman, nppraning na ako, maya karayom, ate ko kukuha ng dugo ko. hala yan.

"Ilagay mo braso mo dito." Oh no, this is it. Omg ate, pls don't stay mad at me pag nagagambala kita baka ung galit mo e.. haha

Ayun, memorable part ng gabi ko un, Kinuhanan ako ng dugo ni ate. wow

Nakakatakot pa umakyat sa 4th floor kanina, ako lang mag-isa sa elevetor, naalala ko ang The Eye. Ay, scary talaga, kala nio lang,.

Nagpacheck up ako ke ate joy. Andun kasi ung pinsan ko na asawa niya. Niloko pa ako na "Aybaka, namiss ka ng old friend mo?"


Ang tinutukoy niya ay ang dengue.


Sa isip-isip ko e. Wag naman na, nakalimutan ko na friendship namin, wag na irekindle. haha

Then nung nireresetahan ako ng gamot, aba, may mga physician's sample pa. Para ata sa kanila un, pero binigay na lang nila sa akin. Yey! haha


Masaya pala din pag marami ka kilala sa pamilya mo na scienceinclined mdalas knkuha.


Mayabang na ang mayabang. Pero nung pumasok ako sa guard, di ako sinita. Parang VIP ang dating ko. haha. joke lang.

|
10:02 PM

Bawal Magkasakit.

Wednesday, September 19, 2007 ++

Mahirap talaga magkasakit, lalung-lalo na kung matapat na marami kang kailangan gawin.

Hindi ko naman inaasahan na magkakasakit ako kahapon. Hindi naman ako naulanan. Hindi naman ako nakagat ng lamok recently. Wala naman sigurong infected ng Shigella nung nagswimming kami sa Kawit, at malamang namatay na ung causative agent nun, sa tapang ng chlorine sa swimming pool.

So bakit ako nagkasakit? Sa kadahilanan lang ba na kinausap ko ang ate kong may sipon nung isang gabi? Oh, c'mon. Ang weak ko naman. Kahit di naman ako nagvivitamin C araw-araw, sipon lang dapat makukuha, eh bakit pati lagnat? Ang tapang talaga ng virus ni ate.

Nung umaga pa lang talaga kahapon, eh nahihilo na ako, feel ko tutumba na ako. Ayaw ko naman matumba bigla. Wala naman akong ganun ka-strong na kaklase na tutulong sa akin. Ay, sa chubby kong 'to, baka pati sila magkalagnat pag binuhat ako. Haha. Eh aun nga, medyo iritable na ako, kasi di na maganda ang aking pakiramdam.

Nung duty namin, sa may library lang kami. May pinapasulat lang naman sa amin. Dun na nagsimula lumala ang aking karamdaman. Ang saklap talaga. Eh masochist pa ako, mahahaba pa mga sinusulat ko. Haha.

Naluluha na nga lang ako habang nagsusulat, gusto ko na kasi talagang magpasundo. Pero, dahil coding ang sasakyan namin kahapon, imposible akong masundo ng maaga.

Bago ako umalis ng school, eh 38.7 na ang aking lagnat. Omigulay, anu nangyayare sa akin? Nahihilo na talaga ako. Nakatulog pa ako sa fx, salamat na lang, malayo pa babaan ko. Kaya di ako lumagpas.

Ito pa masaklap, pasakay na kasi ako ng shuttle. Ay, nauntog pa talaga ako. Ang galing ko talaga, di ba?

Kaya pagkaupo ko, lalo akong nabad trip. Bakit sa akin pa nangyare ito? Naiiyak na talaga ako. Nasusuka pa ako. Natanung ko na lang sa sarili ko: "Natutulog ba ang Diyos?"

Haha. Sabaw. Pero, di talaga masaya magkasakit. Pagkauwi ko, eh agad na ako nagpahinga. Di ko na inisip ang kinabukasan.

Muntik ko pang gawan ng NCP ang sarili ko. Ginawa ko na lang ay nag-vital signs. every 15 mins pa, para toxic ako.

Nagising ako ng bandang 10pm. Sobrang init ko na talaga. Eh magaling ako, nagbuhos ako ng malamig na tubig. Wow. Ang lamig. Parang hindi nursing student.

Effective ba kamo? Ah... Ayun, di ako nakapasok ng Ana-Phy at Computer kaninang umaga.

Binalak ko naman pumasok e. Kaso nung mga 1.45, nagising ako. Hindi ako makatulog. Sobrang sakit ng panga ko. Ang weird nu? Ito talaga, di na ako naluluha. Umiyak na talaga ako. Nadagdagan na naman kasi ang signs and symptoms ko e. Fever, Nausea, Headache, Panga-ache? haha.

Pero, i-congrats niyo naman ako. Mas inuuna ko talaga ang pag-aaral. Kahit hilo-hilo pa ako, at kahit di pa ako nag-aaral todo. Pinilit ko pa rin mag quiz sa CHN. Mabuti ng mababa sa quiz, wag lang 0, di ba?

Ngaun, medyo okay naman na ako. Wala na ang lagnat. Medyo nahihilo pa. Pero may magagawa ba ako? Eh may post test na sa MP lab na naman. haaay.

Labels: , ,


|
7:14 PM

Ang Pahamak na Joke

Thursday, September 13, 2007 ++

Sobrang mapaglaro pala talaga ang tadhana ano?

Kahapon pa talaga nangyare 'to, kaso, I was too sleepy to blog about it.


Shocking news talaga 'to. Di ko naman inaasahan na totoo pala talaga ang kantang "It's a small world after all."

May nadiskubre na naman kasi ako. Masaya pa naman ako na di ako late sa Ana-Phy, kasi wala pa ung prof namin.


Nung nagdidiscuss, medyo nakakasunod naman ako. Then, nagkwento ang aming prof.


Di ko na ikkwento dito ung kwento niya, di naman niya blog 'to e. Basta ang importante lang sa kwento niya ay, nabanggit niya kung paano siya umuuwi, which is, sakay lrt, baba edsa, jeep dn tricycle.

Alam ko naman na dati na taga-Parañaque siya. Nakwento din kasi niya sa amin dati. [Ang dami din niyang kwento pala nu? Gumawa dn kaya siya ng blog nu?]

Naisip ko lang bigla na, pareho pala kami magcommute minsan. At nasabi ko na lang sa katabi kong c Madel "Hahaha, pareho kami ng way, baka, mamaya kapitbahay ko pa lang yan c Ma'am."

Ayun na nga. Nung natapos ang discussion niya ay pinagbreak niya kami. Sa kadahilanan nga na ako ay madaldal, chinika ko c Ma'am.


Ako: Ma'am, anu po ba sinasakyan niyo papuntang UST? Taga-Parañaque din po kasi ako.
Ma'am: Nagjjeep ako dun sa may Caltex, para maaga. Ah, taga-san ka ba?
Ako: Ay, basta po sa better living.
Ma'am: Ah, ako kasi taga Aeropark ako.
Ako: ..... ...... ..... Ha? taga dun din po ako e.. [naiisip ko sa mga oras na 2 ay, "wth?!"]Ma'am: Oh? sang street ka ba?
Ako: Sa may Vanguard po.
Ma'am: Ah, san dun? Di na kasi ako nagagawi dun, eh sa Main lang kasi ako.
Ako: [masyado na akong shock, eh di ko na alam panu iexplain kung san ako nakatira], malapit po dun sa tindahan nila espiritu po. [Sabay tiningnan niya ang aking nameplate]
Ma'am: Ah, malapit kau ke Regalado? [Ang pamilya Regalado, ay sobrang yaman. kaya kilalang-kilala sa amin.]
Ako: Opo, tapat po namin sila.
Ma'am: Kapatid ko si Gina, diba kilala mo yun?
Ako: HA? Dentista ko po un e.. Pero kay Dra. Mopet na po ako.
Ma'am: Ah, dahil sa braces mo? Musta n nga pala mama mo? Nung mga bata kayo, di kayo masyado naglalalabas nu?

Ay, Nakakashock inde ba? At first, she was just your teacher, the next moment, she is your neighbor/your dentist's sister.

Ang freaky diba? Tinext ko pa nga nanay ko. At nasabi lang niya. Ah, cge, di ka na niya babagsak. Naging user pa talaga e nu. Kinwento ko pa sa ate ko. Pinagtawanan pa ako.

May nakausap ako, sabi niya, it's fate. Haha. Malalim ang kanyang interpretasyon. Nahirit ko din na lahat ng pangyayare ay may purpose, that there is no such thing as coincidence.

Ngayon alam ko na purpose ng shocking revelation na ito


KASI NAMAN! LAGI AKONG LATE SA ANA-PHY, 1st Subject kasi.

SO MAHIYA NAMAN AKO, kapitbahay ko lang ung prof, SIYA MAAGA, PERO AKO LATE?


nagjoke pa kasi ako e..

Labels: , , ,


|
8:56 PM

Di ko pa pala kilala ang sarili ko.

Tuesday, September 11, 2007 ++

Alam niyo ba ung feeling na kala mo kilala mo na ang isang tao, un pala, eh nagkakamali ka? Dahil magugulat ka na lang pag may bago kang natuklasan tungkol sa kanya. Nakakashock un dba.


Lalo naman siguro kung un ay ang sarili mo. Iniisip ko kasi dati, kahit papaano naman ay kilala ko ang sarili ko. Well, at least alam kong babae ako. At kahit papaano naman ay alam ko ang pag-uugali ko.


Lahat nun ay nagbago ngaung araw na ito. Lahat ay okay pa nung pagkagising ko, kahit late na ako e, sige, masaya pa naman. Kahit 30 mins na akong late sa Ana-Phy ay pinilit ko pa talagang pumasok..


Nung nag English na kami, dun na naguho ang lahat. Eh kasi naman speech ang pinag-usapan. Una ay masaya pa, dahil todo cheer kami ke Madelyn sa tongue twister. Nagsimula na kami sa correct pronounciation ng vowels. Eh napag-usapan ang tongue, bigla na lang may isa akong kaklase na humirit na wala daw lingual frenulum ang isa pa naming kaklase. Aba, natawa naman ako. Kasi parang kakaiba nga naman un.

Bigla naisipan kong patingnan ke Lou ung frenulum ko at ito ang kanyan nasabi..


"Ay Vianney!! Wala ka rin palang Frenulum!"

HUwaaaaat?! Wala pala akong frenulum?! di ko man lang alam.


I've been living a lie. Akala ko talaga dati pa eh may frenulum naman ako. Kasi inaassume ko na imposibleng walang ganun ang tao. Agad akong nanghiram ng salamin para malaman.

Wala nga ako makita. Sa nagtataka, ang lingual frenulum ay isang thin fold of tissue which serves as anterior attachment to the floor of the mouth. Ay basta, itaas nio dila nio, dn may attachment dun, aun na un. unless! na wala rn kaung frenulum..


Ayun, nadiscover ko un, waLa pala ako frenulum.




Pero nung bandang afternoon, tiningnan ulit namin, meron naman daw. sobrang ikli lang..



Haha, wala lang, isang sabaw na post. hehe

Labels: ,


|
8:27 PM

Si Ugly Betty

Monday, September 10, 2007 ++

May nabasa akong critic na nagcomment sa palabas na Ugly Betty. Kaso, nakalimutan ko na ung link at sino ung nagsabi, basta alam ko nabasa ko un. Ganito ang point ng sinabi niya... Maganda ang Ugly Betty, kasi di tulad ng ibang shows na nagpapakita ng may isang naiiba, imbis na si ugly betty ang magbago para mag fit in sa glamorous workplace nia e, siya ang nagpabago sa mga tao. Hinde sa physical ah, sa ugali ba, parang nagkaroon naman ng puso. haha

Bakit ko binanggit ito?

Wala lang.


Haha. joke lang. Ay kasi, ilan-ilan na ang nagsasabi sa akin na ang corny ko daw. Sabi nga ng mga kabarkada ko nung High School e, ako daw ang #1 sa list ng nga corny. haha. Eh nasanay naman ako na ganun nila ako inaasar

Ngaung college, sabi ng kaibigan kong c luningning, Sa totoo lang daw, nakokornihan siya sa akin, kaya di niya ako kinakausap dati. Pero, di nagtagal, eh nagshare na din siya sa akin. Di naman daw pala ako corny, or di niya alam kung naging corny na siya.

Medyo nagulat naman ako dun. Kasi, napraning ako na baka naiinis na pala ang mga tao sa akin, at mamaya iniisip nila na ang pagiging corny ko ay epal na. Naisip ko din na baka may napipikon na sa aking mga hirit na ako nga lang madalas nakakagets.

Matagal ko siya pinag-isipan talaga. Eh kasi, di niyo po natatanung ay People-pleaser akong bata. As in. Natatakot ako sa feeling na ayaw sa akin ng mga tao, kahit nag-iisa lang ung taong un. Anyway, balik sa topic, aun, pinag-isipan ko talaga.


Eh naalala ko si Ugly Betty. Corny nga talaga ako. At mas maganda ata isipin na dahil sa akin, eh naging slightly corny na rin sila. Wala naman kasi masama sa pagiging corny. Masaya naman siya. Kahit mababaw ang kaligayahan mo, at least, madali kang mapatawa. Kasi naman sa pagtawa, di na iniisip kung anu ang nakakatawa. Eh basta ka na lang tatawa, kahit alam mong corny siya.


Kaya sana nakikita niyo rin ang kaligayahan sa mga simpleng bagay. Ang mga nakakatuwa sa mga corny na banat. Eh, wag kayo mag-alala, nag-iimprove naman ako. Pero, tanggap ko naman na corny talaga ako. Di na un maalis. =)



Ayun, kasi si Betty e.

Labels: ,


|
8:48 PM

computer lab

++

haha. wala lang. andito kasi ako sa comp lab. hehe, para lang masabi na gumawa ako ng post dito. hehe. Actually, may pinapagawa sa amin, eh mamaya na un. Basta sa Excel kasi.
Di nga ako nakinig e. :


Ay inaantok pa ako. Haaaayy. Bbye na! =D

Labels:


|
9:35 AM

si shamu, ang moody na whale.

Sunday, September 09, 2007 ++

Nakakaliw naman ang araw na 2. Kasi, may pasok kami, may seminar sa LTS.

EH tinuruan nila kami magturo. haha. Ang kulit nga ng discussion e. As usual muntik na naman ako malate. haay. gnun tLga ang buhay.

Napag-usapan pa nga c Shamu. Kilala nio ba xa? xa ang moody na whale. Haha. Kasi dw, minsan pag nagtatantrums xa, ay pnapabayaan nLg xa ng kanyang mga instructors na manahimik. haha. Dapat daw, ganun kami pag nagtuturo, maging patient. Eh naisip ko bigla, ay balyena pala tuturuan ko. hahaha. Ang korny ko na naman.


Dapat pagkatapos ng seminar, aalis kami nila bart, lou at berj na iniisyu nila sa akin. eh di nga kami nagkikita. Nagfefeeling kasi c bart at lou na cupid cla. Feel nila magsuot ng diapers at tumira sa ulap. Eh di kasi sumama c ivan, nagkaayawan n tuloy. Ung dalawang cupid na lang ung nagdate. Ang landi. haha, joke lang. Ay berj, kung nababasa mo man 'to, sayang, may joke pa naman ako sa'yo. hahahaha. sa figaro nLng!! haha, joke lang. Di ako naghahanap ng kaligayahan. hahaha. weird nun.


Ayun, lumakad kami ni cj. Dapat food trip kami, kaso nagkayayaan na mag videoke. Ay grabe, nahihiya ako sa sarili ko. Unang score ko nmn kasi 96, nadaan kasi sa interlude. Kinanta ko ay Bizarre Love Triangle. Haha. Di k naman alam ung lyrics tlga. eh Bsta, ang gulo tuloy ng pagkanta ko. haha. Then sinabotahe ko c cj, kasi nung kumanta xa ng I Turn to You, pinakita ko sa kanya c MARGARINA. hahaha. di tuloy xa nakakanta nung 1st verse kasi tawa xa ng tawa. bwahahaha, at 93 lang xa.. muahahahaha.

Sunod na kinanta ko ay So kiss me by Sixpence none the richer. Feeling ko e sa Quantum pinag-aralan ni Alyssa Alano ang kantang ito, kasi ba naman, mali mali ang lyrics!!! For example,

So kiss me, beneat the milky twilight, lead me alone moonlit floor, Lift your open hand, strike the band and make the stoplight dance silver moon sparkling. so kiss me.

ay natawa nLng ako. haha. di tuloy ako makakanta. Basta, marami pa iyun,, Nakakaloko tlga. nagin 93 lang tuloy ako. EH masaya ung kinanta ni cj na Stop ng Spice Girls. haha. kaaliw gawan ng steps. Parang bata lang ulit ako. haha. yey!

Eh xempre, finale naman ang Quit Playing games with my heart. Hahaha. Ay, cnu ba naglalaro? hahaha. eh xmpre. Hahaha. Aun,.



OO nga pala. Pag may nakita kayong video ng 2 nursing student na nagsasayaw sa loob ng KTV sa quantum, kami un. hahahaha


Pero seryoso, may video talaga! SCANDAL!!! hahaha =P

Labels: , ,


|
2:15 PM

Site Information ++

Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.