Tuesday, October 30, 2007 ++
I went to Sentosa Island today..
So much fun, a bit tiring though.
Lots of pics.
weeeee.
People, do you hate me? Waa, I don't why I'm getting that feeling..
Got to go.. Going for Hari Raya. I will wear a traditional clothing. Wow..
Now, I'm starting to hate myself again..
Monday, October 29, 2007 ++
Waaaaa... Sobrang I'm getting used to being a loner...
Haha, imagine me, waiting for the bus going to Clark Airport for like 1 1/2 hrs.. alone. Just me, myself and I.. and maybe my suitcase. haha..
Then when I reached Clark.. I waited for another 4 hours e. I don't even know my way around the airport.
Me, the village girl, goes abroad... I keep texting my mum, asking about little things. Should I get a cart? Should I take my luggage with me when I go to the bathroom?
Gaaa.. sobrang weird ng feeling.
I've been to Singapore once before, but I was around 3, and I can't remember anything okay.
So, parang 1st time pa rin ngayon, and to think ako lang mag-isa. I feel so mature. Haha. Even, though I had with me a travel clearance for minor.. I'm friggin' 17 anyways.
Nung nasa departure lounge na ako, after all the settling of travel tax, checking in my bags, paying airport tax, going through immigration, it hit me, This is it! sasakay ako ng airplane. wow.
Haha, di naman kasi mayaman so di kami madalas matravel diba? At kahit sanay na ako sa ingay ng mga airplane, eh ang sarap pa rin ng feeling na sasakay ka. wow.
Then nung pasakay na. Parang wooow.. this is it.. wooow. haha
Ito na lang summary ng naramdaman ko. Nung pagkaupo, medyo excited pa ako. Kahit mag-isa lang ako e kinapalan ko mukha ko at nagpakavain ako.
At xempre, window seat, baby! haha
At nung nagsalita ang pilot. Siyempre, may naalala na naman ako. Iniisip ko, ay magiging piloto kaya siya? Or forever mekaniko lang ng aircrafts. haha. Pero siyempre natabunan na siya ng pagkaexcite ko.
Nung take off.. Medyo masaya, kasi parang naalala ko ang pagmamaneho ng dragracer kong bro-in-law. Then, masaya pa ung medyo paakyat pa lang. Kasi feel ko e ginagawa ko ang favorite hobby ko. ANG GOOGLE EARTH.. haha. habang nakikita ko ung mga ilaw. At nafeel kong ako si Superman. Haha.. Ay superwoman pala..
Naisip ko pa, masaya siguro 'to, Sana payat ako at matangkad, gusto ko maging STEWARDESS!
o di kaya,, cge Piloto na rin..
Pwde na rin sa akin ang maging kapatid ni Paris Hilton para san san din ako nakakarating. =D
Then the rest of the flight was awful. Gave me a headache.. and earache! Lalo na nung landing. Gosh, i thought i was going deaf okay.
Ayun, I arrived at around 1am kanina sa airport, pero mga 2 na ako nakalabas.
Hahaha..
At aun, sobrang gutom ko, eh nakain ko maanghang na noodles na niluto ng pinsan ko.
Sobrang anghang niya, naging MAS kissable pa lips ko. Haha..
Friday, October 26, 2007 ++
Grabe, my nephew is so adorable.
Alala ko pa on the day that he was born, nasa field trip ako nung 2nd year. At nagpapacute pa ako sa crush ko sa kabilang bus. Haha.
Ang liit liit pa niya nung pinanganak. Di ko maisip na ngayon e niwwrestling na niya ako.
Kaso, fave nia ata ako. Eh lahat na ata ng pang-aasar sa akin eh nagawa niya.
Bata pa lamang e, tawag na sa akin.. "oink.."
Alangya yan. Pero tawag ko sa kanya e kulot o kaya minsan ay panget.
Pero kahit ganun e mahal niya ako. lalo na pag may chocolate o lollipop ako.
Natawa ako kanina, kachat ko sila ng ate ko. Kumakanta siya ng Ave Maria. Tinuro daw sa school nila.
Biglang may kinanta siya, which goes something like this
"Kung ikaw ay dalaga at wala pang asawa, wag ka mag-alala, wag mawalan ng pag-asa.. God bless you, Mama Mary loves you."
Grabe. haha. Natawa na lang ako. Sabi ko, it's a sign! Wahaha,, at narinig ko na ang tugtog ng pussycat dolls na I don't need a man sa imahinasyon ko.
Pero, ito ang sunod niyang lyrics,
"Kung ikaw ay mataba, Labas ang bilbil, wag ka mag-alala, wag mawalan ng pag-asa, God bless you, Mama Mary loves you."
Sabay hirit pa niya, "Tita, ikaw yun."
Haha. Nakanang bata 'to.
Thursday, October 25, 2007 ++
Ngaun ang supposedly surprised birthday party for Ve. But, dahil sobrang di kami coordinated, she found out din naman. Sobrang sayang. Well, naaway ko pa si N dahil dun. Haha. Sorry na.
I arrived at Jabi UN at around 12 na, and take note 9 usapan namin. [Diego, tama ung formula mo. +3hours nga.]
Well, ayun, we decided na bumili na ng cake at balloons. They were thinking of buying flowers, but unfortunately, malayo ang Dangwa. At wala ako sa mood makipagtawaran to the max.
At ito pa, ang isusurprise naming ngtext ke D. saying, "Bili kayo cake ha."
Wow! haha. Napaka-cooperative na isusurprise noh?
Well, ayun, we bought her a tiramisu cake sa red ribbon.
Then, may balloons, tig-iisa kami na binigay sknya.. At well, lima lang kami. So sad un..
Alam ko sad at galit pa rin siya sa amin dahil dun sa failed attempt to go to Tagaytay for her birthday celeb.
Ve, if ur reading this, I am so sorry talaga
Ayun, nag-U.B.E. [Ultimate Bonding Experience] lang kami sa house nila, while eating the cake, munching on chips and looking at high school pics.
Grabe. Pumayat na kami! hahahaha. Un nasabi e nu? Pero seriously, parang ang dami na namin pinagdaanan sa 3 yrs na friendship namin. Ang dami na kasing problema na pinagdaanan namin.
And we learn to have comfortable silence. Being in one room with them, even without saying a single word, just knowing we are there for each other is enough.
Nakanang lambing yan.
We also learned to get used to gross stuff. For example, grabe, kumakain kami ng pancit canton sa isang plato lamang. as in. Whoa. Then pati ung fart minsan. haha.
We may fight with each other. Intense nga daw sabi ni Ve, pero at the end of the day.. mapag-uusapan namin, and nothing too intense that a simple sorry can't fix
O friends, english un. K, napapapraktis ako dahil sa 'yo. Haha.
Napag-usapan namin over dinner. Kasi natanung ko. "Tatagal kaya tayo?"
Then parang sila.. "Oo naman. Parang forever na ata tayong ganito."
Haha, parang ang labas ay wala na kaming magagawa. haha.
Sobrang masaya talaga ako pag kasama ko sila. Kahit sobrang poor namin. or sobrang PG namin sa ice cream, cake or pancit canton. Eh masaya naman kami. Haha.
at ito ang Conversation for the day:
While in the taxi, going to Ve's house.. [me, N, K, T, D,]
Me: you remind me of someone N... Kilala mo si Jay Leno? Pareho kayo malaki head...
N: Ang sama mo.
...we started to laugh except for K...
K: Diba, patay na un?
D: ha? di pa a, may mga shows pa siya e.
T: onga, napapanood ko pa siya.
K: patay na un e. Diba xa ung sa the beatles?
....O_O....
haha.
Me, T and D: Si John Lennon yun e!
Labels: bday, debut, friends, high school, jay leno
Monday, October 22, 2007 ++
sobra talaga akong galit right now. as in, di ko ba alam, kung makipagboxing ata ako. wala pa ung bell, KO na ung kalaban.
Pero ung galit ko rin is ung tipong naiiyak na lang ako. Kasi, I feel so helpless, and I totally hate that kind of feeling.
Hindi ko alam kung panu niya nagawa sa amin 'to.
Medyo natutunan ko naman tanggapin na, nakukulangan na kami. Pero, ngaun. malalaman-laman ko, ibang tao natutulungan niya tapos kami, papabayaan niya maghirap. Ay leche.
As in, gusto ko magsabi ng malulutong na mura.
gusto ko sumigaw.
gusto ko manapak.
Manadyak.
Maghasik ng kahit anung lagim.
Pero, ayoko.
Kahit anu pa ito, bahala na, bahala na Siya.
Thy will be done.
Saturday, October 20, 2007 ++
Two nights ago, I had a dream.
It was so weird. Ganito ang story, malamang ako ung bida. ung girl malamang. Ung ibang karakter e sa akin na lang un. =)
Ganito ang simula kasama ko ang aking friends sa isang computer shop, naglalaro kami. Biglang dumating ung lalake. Nagulat ako. Nasabi ko na lang sa kanya "Ui, hi." Ngumiti lang siya. Kasama niya mga kaibigan niya.
Sinubukan ko makuha atensyon niya, para kungware mag-usap kami. Wala kayo magagawa malandi ako. =D
Pero failure ako, so binalak ko ng umuwi. Nag-aayos na ako ng gamit. Tumayo ang aking kaibigan at may binulong sa akin, "Di ko sure ah, pero kanina pa siya tingin ng tingin sa 'yo. Sige, uwi na ako."
Ako'y nashock. Tumingin. Nakatingin nga. Inisip ko, magpapaalam na lang ako sa kanila. Pag di niya ako pinansin, eh bahala na. Nagbbye ako. Lumapit si boy, sabi niya. "Uwi ka na? Pwede ba tayo mag-usap saglit lang.."
Ewan ko. Di ko naman siya gusto. Pero, kinilig daw ako, so pumayag na ako.
Nakita kami nung isa kong kaibigan pa. Parang, nainis ata siya. Ayun, nagpunta daw kami sa likod nung shop. Bigla pa niya kinuha kamay ko. Kinilig naman daw ako. Pero, iniisip ko, di naman ako kinikilig na dapat sa kanya.
Siya: Sorry, di tayo nag-uusap. Di na tayo nagpapansinan tulad ng dati nu?
Ako: Ha? okay lang naman, wala naman sa akin un.
Siya: Alam mo, namiss kita sobra. Kinausap kasi ako ni mama dati, sabi niya, pabayaan muna kita. Kasi pressure from school and stuff, at may capping ka daw ganun.
[habang pinapanood ko ang aking panaginip. Iniisip ko na. hala, bakit? kilala ba ako ng nanay mo?! anu mga sinasabi mo? pero mejo excited ako. Kinikilig.]
Ako: ah.. bakit anu ba sinabi? Oo nga, may capping pa ako. Dapat di ako bumagsak.
Siya: Pero, ah, okay lang ba na studies muna tau. pero, m**** talaga kita. Sori, ngaun lang.
Naisip ko na lang ng mga oras na ito. Anu ang sinasabi ng lokong ito? At ito pa sinabi ko
"Ha, weh? Studies naman talaga ang priority natin..Okay lang naman sa akin."
WHAT THE?! At ayun, pumasok na kami. Nananching na naman siya, nakipagholding hands.
Tumayo ung isa kong kaibigan. Sasampalin/susuntukin na "siya". Pinigilan ko daw, sabi ko, "payag naman ako. Okay naman un e."
Naisip ko lang. Totoo ba ang sinasabi ni Freud na lumalabas sa dreams ang innermost desires mo?
Baka nga. =)
Tuesday, October 16, 2007 ++
Grabe. Mukha ba akong nanay ng mga bata?
Kasi kanina, sinundo namin ung mga pamangkin ko sa panganay.[nakakadugo ng ilong ung school nila, puros english! pati ung mga yaya. Ay, mga kabarkada ata ni Inday un,] Unang lumabas ung bunsong babae. So ayun, naglalaro kami and stuff. Then, lumabas ung class ng ate niya.
Tahimik kong binabantayan ung mga pamangkin
Bigla kong naramdaman na may kumuha ng kamay ko.
Then, may laway.
Ay hinalikan nung batang lalake na kaklase ng pamangkin ko ung kamay ko.
Nashock talaga ako. Sabi ko na lang.. "Hi.."
Wow, mula sa sinaunang panahon ata ang pag-iisip ng batang ito.
Romantic?!
Sabi niya sa akin "Hi." Then nagsmile.
Nagulantang talaga ako nun.
May isang pangyayare din nung 3rd year ako. Tumatambay kasi kami minsan sa isang bilyaran/computer shop noon. Eh may mga batang suki dun. Minsan nakalaro naman sila ng Counter strike. May isang batang lalake din dun, tinanung pa nga niya pangalan ko. Siya si Joey.Kasi kanina, sinundo namin ung mga pamangkin ko sa panganay.[nakakadugo ng ilong ung school nila, puros english! pati ung mga yaya. Ay, mga kabarkada ata ni Inday un,] Unang lumabas ung bunsong babae. So ayun, naglalaro kami and stuff. Then, lumabas ung class ng ate niya.
Tahimik kong binabantayan ung mga pamangkin
Bigla kong naramdaman na may kumuha ng kamay ko.
Then, may laway.
Ay hinalikan nung batang lalake na kaklase ng pamangkin ko ung kamay ko.
Nashock talaga ako. Sabi ko na lang.. "Hi.."
Wow, mula sa sinaunang panahon ata ang pag-iisip ng batang ito.
Romantic?!
Sabi niya sa akin "Hi." Then nagsmile.
Nagulantang talaga ako nun.
Nung minsan na pauwi na kami. Ako, si "E" at si "Ve". Naglalakad na kami sa tahimik na kalye. Biglang may sumigaw. "Vianney!!!!!!"
"VIANNEY! LARO PA DAW KAYO NI JOEY!!!"
Pinagtatawanan na ako ng kasama ko. Ako'y napraning. Stalker 'tong batan ito ah. Gusto kong sumigaw na, LUBAYAN MO KO MASAMANG LOOB. Ahahaha. Pero since bata nga, baka wala lang kalaro.
Ve: Vian, sabihin mo, uwi ka na.
Ako: Uwi ka na!
Ve & E laughing. Ako, naguluhan.
Ve: Ano ba Vian?! Ikaw na ung uuwi! Anu yan? Manliligaw mo pinapauwi mo na?
Pinagtatawanan na ako ng kasama ko. Ako'y napraning. Stalker 'tong batan ito ah. Gusto kong sumigaw na, LUBAYAN MO KO MASAMANG LOOB. Ahahaha. Pero since bata nga, baka wala lang kalaro.
Ve: Vian, sabihin mo, uwi ka na.
Ako: Uwi ka na!
Ve & E laughing. Ako, naguluhan.
Ve: Ano ba Vian?! Ikaw na ung uuwi! Anu yan? Manliligaw mo pinapauwi mo na?
Ako: Ay mali! Uwi na ako!
O_O Grabe diba? Mula noon. Inde. Bumabalik pa rin kami sa tambayan namin nu. Malamang.
Pero di ko na masyado nakikita si Joey, eh di ko na rin siya napapansin naman.
Isa pang sitwasyon.
Gumagawa kami ng proyekto sa bahay ng aking kaklase nung 4th year. Eh may pinsan siyang batang lalake.
Ayun nasa sahig kami, at nananahi pa ako. Biglang naglabas ng water gun ang nabanggit na pinsan, at ako ang pinuntirya. Hindi naman as in splash. Parang drops drops lang ng tubig.
Ako naman, nahihiya ako magalit. Sabi ko sa kanya. "Eh wala akong dalang damit, bawal ako mabasa. Next time na lang tayo maglaro."
Tumuloy pa rin siya. Ung mga kaklase ko nakatingin lang sa akin. Hindi rin alam gagawin. Lumapit ako sa kaklase ko at sinabi ko na ang pangungulit ng pinsan niya. Ayun, napaakyat tuloy ung bata at pinatulog na ata. Ewan ko ba. Mukha ba akong di naliligo? O_O
Natawa na lang ako sa forwarded message ng aking hunyluvz.
Do u hav sex appeal? hir's a simple experiment: Go 2 a place crowded with children. stand or sit in one place w/o making any effort 2 b noticed. f children smile at u w/o calling their a10tion,u've got sex appeal. d theory's dat children's emotions r spontaneous coz dey haven't experienced yet emotional disturbances unlike adults. ur bf/gf may lie, but a child won't...
Hahaha. Forwarded message lang naman. At well, theory lang. hahaha.
Labels: children, sex appeal
Monday, October 15, 2007 ++
Ma'am ako po si *insert name here*. Ako po ang nurse niyo ngayon dito sa *insert name of ward or health center*. Galing po ako sa *school- college of nursing*, duty po ako tuwing *day/s and time*. Kuhanan ko lang po kayo ng vital signs.
Kinuha ko ung bp ap ko kanina. Naisip ko lang, ang tagal na pala since nung huling kinuhanan ko ng BP ang isang pasyente.
Kahit nakakapraning magnursing history. Nakakaloka gumawa ng nursing care plan. At nakakabagot magrecord ng vital signs. Eh, nakakamiss din pala mag-duty.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakita ko naman ang stethoscope ko, pinikit ang mata, at pinakinggan ang aking puso. Ang weird pero, parang naghihintay ako ng ibubulong niya sa akin.
Naaalala ko kasi madalas nilang sinasabi, you must listen to your heart's desires.
Wala lang, mga isang oras mahigit ata akong nakahiga lang, at sinubaybayan ang bawat tibok. Parang naisip ko nga, sana ibulong niya anu ba ang gusto niya. Baka kasi, sumisigaw na pala siya, nagbibingi-bingihan pa ako.
Ang tagal kong naghintay sa sasabihin niya.
Walang nangyare, tumibok lang siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ito pa mga naisip ko ngayon:
1. Maraming kwento si Lola Basyang diba? May blog kaya siya? Seryoso ako. Naisip ko yan habang naliligo ako.
2. San gawa ang kikiam? May ka-chat kasi ako kanina, pinag-usapan namin ang stall na kiss. Ayun. Siya din di niya alam.
3. Bakit di ko mahanap sa google earth si Santa? Sa ibang planeta ba siya nakatira at kalokohan lang na sa North Pole siya? Alien ba siya? Kapitbahay niya ba sila Kokey, Superman at Marvin the Martian?
Sunday, October 14, 2007 ++
Kanina, pagkatapos ko kumain, naisip kong manood ng tv.
Una, The O.C. ang pinapanood ko, at pinagpapantasiyahan si Seth Cohen.
Lipat, lipat channel. Napunta ako sa BBC World news Channel.
May nakita kasi akong interesting. Mga Chinese na bata, may subtitle naman kaya tiningnan ko anung meron.
Nakakaaliw naman pala. Ganito kasi kwento niya. Parang may botohan ng class monitor sa class nila, so pinapakita kung paano ung paghahanda nila and stuff.
At ito lang masasabi ko. Madumi ang politika talaga. Mga bata pa lang, anu-ano na ang nalalaman. At ito pa, tinuturuan pa ng magulang.
Ung unang bata, mukhang mayaman. Class monitor for 2 years. Ang scene nasa sala sila ng bahay nila. Si nanay at tatay ay tinutulungan ang kanilang anak na lalaki na umisip ng stratehiya para manalo. Nakaisip si tatay ng paraan. Sabi niya, yayain daw nung bata mga kaklase niya sumakay sa train. [parang LRT ba.] Sabi nung bata, Is it free?
Eh un pala, tatay niya nagmamanage nung train na iyon. So, in short libre nga.
At ayun, pagkauwi ng mag-anak. Sabi ng nanay sa anak. "Ask them if they enjoyed the trip today..then, ask them if they will vote for you now."
O diba? bongga.
Ang pangalawang bata. Chubby, mukhang di kasing yaman nung nauna. Pagkatapos ng field trip ay kinausap niya ung adviser nila, sabi niya gusto na niya magback-out, kasi naman, wala na daw siya laban, 2 na lang boboto sa kanya. Pero, sinabihan siya na wag mag-give up at humingi din ng payo sa kanyang mga magulang.
Ayun nga ginawa niya, at sinabihan siya ng nanay niya na wag mag give up, at tinuruan pa ng mga taktika.
Sabihin daw sa kalaban, A class monitor should not be a dictator, he should be a manager. Tanungin daw niya sa mga kaklase niya kung sinu mga bnbully ng class monitor na un. Grabe, kung napanood niyo lang. Parang, masyado pa atang maaga para ipasok ang mga ganung bagay sa mga bata.
Ito, may pangatlo pang bata. Babae naman ngaun, nag-uusap sila ng nanay niya. Sabi ng nanay niya, dapat daw marunong mag counter-attack ung bata pag sinasabi mga kahinaan niya. Parang ang point nung nanay e, wag lalamya-lamya ung bata. Grabe, shocking. At nag-uusap sila habang nag-iikot sa amusement park. Ironic nu?
At nung araw na ng debate nila, maraming mga magulang na nag-aabang sa labas n eskwelahan para antabayanan ang mangyayari.
At sa tingin ko ang age ng mga bata na 'to ay nasa Grade 3-4 lamang.
Naaalala ko mga ginagawa ko nun. Naglalaro pa ako ng barbie at polly pocket.
Grabe na nga daw ang mga bata ngayon. Sobrang dami ng alam. Medyo tumataas na rin ang expectation sa kanila. Kung dati, palaro-laro lang sa may kalye, ngayon may mga hobbies ng maiituturing, tulad ng taekwondo, ballet, piano lessons, singing lessons, dance lessons, minsan pa nga meron pa diyan ung pagtuturo ng advanced math sa kanila.
Di pa diyan kasama ung kaalaman sa teknolohiya tulad ng cellphone at computer, meron pa diyan, ipod.
Baka nakakalimutan niyo, meron pa silang school work.
Para sa akin, wala naman masama sa pag-eexpose sa mga bata sa mga maaari nilang pagkalibangan. Kasi ang sports or hobbies ay maaari din magturo ng disiplina sa bata.
Sana lang, hindi masyadong mapressure ung kabataan. Parang, let them enjoy lang. Just let them be kids lang.
It doesn't mean din na we should talk to them like they're stupid. They're not. For me, try to explain things with the words they already know.
Pwede na ako maging nanay? haha. joke lang. baka ako naman sabunutan ng nanay ko. :P
Labels: childhood, kids, patience
Saturday, October 13, 2007 ++
Gaaaaah. I now realize that I have a tendency to be an addict.
Haha.
1st latest obsession: Movie-making.
Sobra. 2 na nagagawa ko. One for my Rle-mates. Then, ngaun, I made another one for my highschool barkada. Miss them so much. At mas tumagal pa pag gawa ko kasi naman, naiiyak ako. hehe. May mga love team pa nga e.
Here's the link, hope you could watch it din.
http://www.onetruemedia.com/shared?p=3e98484b827a0cfc0657c6&skin_id=601&utm_source=otm&utm_medium=text_url
Ayan, go watch it.
2nd obsession: Marie Digby. Major identity crisis people! Maganda talaga siya. Sabi ko kahawig niya c Cheska Garcia sa isang angle. Sabi ni Bart, kamukha daw ni KC Concepcion. Half-Japanese, Half-Irish American. Ah basta, maganda. haha.
Ang ganda ganda pa ng lyrics ng songs nia..
Ito ang ilang lines sa mga nagustuhan kong kanta niya.
1. Unfold:
You see, i'm the bravest girl you will ever come to meet
and yet i shrink down to nothing at the thought of someone really seeing me
2.Traffic:
Guess I should be happy now
everything is back to how it wasbefore you came around
I'm already changing
I've even tried to find a new distraction
but still you surround
as if it's not hard enough
3. Girlfriend
But I can't belong to anybody else right now
Though it is not much of an excuse
I can't belong to anybody else
When I've got so much figuring out to do
4. Stupid for you
The proper thing to do is for me to act like a lady
and wait for you to make the first move
but i don't think you're getting the point
that it's you - that i want
Actually, yan na ata lahat ng original composition niya. Haha. Can't help it.
At gusto ko version nia ng Umbrella at Torn!! Gaaaah! I'm obsessed!
Labels: marie digby, obsession, onetruemedia, videos
Friday, October 12, 2007 ++
First day of sembreak.
Boring. haha.
Hindi naman totally, pero still..
But! I did something great today.
Haha. Great daw talaga e nuh?
For my RLE 9.3-mates. haha.
Here it is: