Thursday, November 29, 2007 ++
Grabe. Nakakabuiset si Trillanes. Leche xa. Mukha siyang coup d'etat!
Parang baliw lang. Naalala ko tuloy yung sabayang pagbigkas ng Dalton dati
"Kudeta... Kudeta.. Kudeta na naman naman.
Kudeta... Kudeta..Kudeta na naman naman.
Kudeta... Kudeta.. Kudet na naman na naman na naman?"
May tono pa yan e.
Di na siya nagsawa. Di tuloy ako pinayagan sa debut ni Ruvie bukas. Eh siya pa naman si forever schoolmate ko. Bad trip.
Ayaw na kasi ako palabasin ng mga tao dito sa bahay. Lalo na ng tatay ko. Makati pa kasi ung debut.
Nakakatakot pa kanina kasi may mga militar sa pagkababa ng skyway dito sa may Bicutan.
Nung nakita tuloy ng ate joy ko, naghyperventilate siya. Nakakatakot kasi naman talaga.
Parang di mo na alam mangyayare sa Pilipinas. Parang any moment pwde magkaroon ng giyera.
Nakakainis kasi. Napakareklamador ng mga Pilipino. Lahat na lang ng makita nilang mali. "Waaa! inde palitan na yan!!" edsa revolution na agad. jusku po.
Nagkaroon tuloy ng curfew ng 12am-5am.
Grabe, habang nagkakagulo ang mundo, makulit pa rin ang ate sheena ko.
Umakyat ako papuntang kwarto niya at pagkabukas ko ng pinto niya eh nakahiga siya at tila gula't na gulat habang nanonood ng TV
Ate: Akala ko pinasok na tayo ng mga tangke!
Ako: ...ha? baket? [akala ko naman dahil narinig lang niya ung pagbukas ng gate.]
Ate: Grabe ka kasi makaakyat sa hagdan e.
Ako: O_o
Ate: Wahahahahaha.
Labels: funny, panic, philippines, reklamador, sister
Wednesday, November 28, 2007 ++
Pumasok ako kahapon kahit wala naman talaga kaming pasok.
Na-late pa nga ako ng pagpasa nung reply slip ko.
Di pa nakwento ni Lou ung tungkol sa narinig ko na "days." eh ***e pala un.
Masaya naman na pumasok ako kasi nagpractice kami ni Lou para sa pe naming Social Dance.
Nakakaaliw nga e, sa may botanical garden pa kami nagpraktice. Pero lumayo kami dun sa unggoy, baka magalit kasi siya sa amin.
Masaya naman kami gumagawa ng steps na dapat eh 32 ang counts.
Eh napag-usapan namin ang pagsasayaw niya ng "Colorful is Life" sa English namin dati.
Todo bigay kasi siya, at may encore pa. Kaya tawa kami ng tawa.
Kaso, nagkagulo na kaming dalawa
Lou: Alam mo, bakit ganun, pag sumasayaw ako......
Ako: .....pinagtatawanan ka nila?
Lou: [parang naiiyak na na naguguluhan sa sinabi ko]
Ako: baket?
Lou: Di naman un ung sasabihin ko e. Parang iniinsulto mo lang ako e. :( Sasabihin ko dapat pag sumasayaw ako, kailanga bbuwelo muna ako.
At dun nasira friendship namin.
Haha, joke lang.
Friends pa rin kami noh. Natawa lang talaga ako sa nangyare sa amin. Akala ko kasi talaga, un ung sasabihin niya, kasi ung sayaw niyang "Colorful is life" ung pinag-uusapan namin.
Haha, sori na Lou ^_^
Labels: friend, pe, social dance
Sunday, November 25, 2007 ++
Omg. May girlfriend ka na pala.
At another major omg, KAYO NA PALA.
I was really shocked, promise.
I was happily multitasking: doing my ob assignment and friend-hopping in fster. When I saw your picture.
I know I suspected the both of you way before, but I thought pure platonic lang ang relationship niyo.
Guess I was wrong.
I'm not jealous or anything. I'm happy for both of you. Shocked lang.
Then I remembered the times I was very suspicious with your actions. Kaya pala.
Siguro nag-holding hands kayo talaga nung time na un. HULI YOU!!
Grabe, di ko alam, maybe I'm jumping to conclusions, pero basta. Ang lakas talaga ng pakiramdam ko.
Sayang, ang bango mo pa naman. Kailangan ng itrain ang aking nose not to be tempted. haha.
My eyes looked like this earlier...
O_O
Labels: shocking revelation, stalker moment
Monday, November 19, 2007 ++
Sobrang hirap na hirap talaga ako pag pamilya ko na pinag-uusapan.
Feel ko kasi, lahat ng defense ko ng pagiging masaya, unti-unting nasisira.
Nung nag-usap na kami ng ate ko sa BLD. Sabi nia..Tawa ako ng tawa pero sa loob, I'm dying na pala.
Kasi para sa akin, ayoko ng umiyak. Walang magagawa pag umiyak ako sa iba. Parang iniisip ko, kailangan ko lang gawin ang plano ko para in the end, titigil na rin ang pagluha ko.
Naiinis ako kanina. Nanghina ako. Bumigay ako.
Nakikinig pa lang ako, eh nahihirapan na ako huminga.
Dun ko na naman naranasan ang pagsikip ng dibdib ko [at take note, maliit lang ang hinaharap ko, so totoong paninikip iyon.] Huling naranasan ko un eh nung summer pa sa Ateneo.
Feel ko, at such an early age, I was taught to survive on my own. I had a lot of questions in my mind, but I had no choice but to look for the answers myself.
I'm not mad at them for forcing me to be independent at the time I needed them most. I know it was very difficult for them, especially my mom. I am her baby girl.
But still, I'm thankful for that time in my life, because I can proudly say I can somehow manage on my own.
To make it clear, I came from a broken family. Actually, para nga siyang hanging family.
But it's okay with me, since everyday I see them together,I can see that they only hurt each other, not physically but emotionally. Even at the age of 9, I already formed the idea in my head about broken families, and I was thinking, this would be the best for all of us.
Even writing about this, I can't help but cry. Kasi sobrang hirap. Sobrang bigat sa loob.
Ayoko nagsosorry sa akin ang mommy ko, kasi feel ko biniblame niya sarili niya. Iniisip ko minsan feel niya siguro dapat tiniis na lang niya, na kahit mawala na ung sarili niya. Ayoko ng ganun, di niya kasalanan.
Lagi nilang sinasabi sa akin, "Wag mo ng intindihin, isipin mo na lang pag-aaral mo."
....I'm used to my lies. I think I'm beginning to fool everyone, including myself.
Pero, di mo maiiwasan na maapektuhan pa rin.
Ang hirap pa, kasi feel ko unti-unti na nila akong iniiwan. Parang wala na akong kasama.
Madalas akong tumatawa. Madalas akong masaya. Pero, di alam ng mga tao, sa loob, nagdudusa ako ng sobra-sobra.
Minsan, pinapagod ko na lang sarili ko, para diretso tulog na. Di ko na maiisip ang mga ganung bagay.
Alam kong may plano ako para umaayos ang buhay ko. Nilalagay ko sa utak ko na un na lang isipin ko, pero tao lang ako. Bumibigay.
Natatakot din ako minsan, pag nalalaman ng mga tao sa paligid ko ang mga problema ko.
Parang feel ko, nakikita nila ako. Di ako makapagtago. Ang hirap.
"You see, I'm the bravest girl you will ever come to meet and yet i shrink down to nothing at the thought of someone really seeing me"
Labels: faith, family, friends, love, parents, tears
Tuesday, November 13, 2007 ++
Masaya ako ngayon, kasi nagcapping ceremony naman. o cge, may pinning pala, para sa lalake.
Sobrang kakaiba ng feeling. Parang may mabigat na sa ulo mo.
Masaya din ako, kasi di alam ng tatay ko na may event na ganito. Gusto ko kasi na nanay ko mag-attend naman. May graduation pa naman kasi, dun na lang si dadi.
Nung kagabihan pa nga, naiiyak ako, kasi feel ko sobrang dati pag may mga ganito sila ate, todo sa bahay pa lang nagpapaayos na, then si mama talaga umaattend.
Eh ngayon,, haha,, basta.
Then, ung nanay ko lang pupunta, sa tatlong ate ko, wala siyang makasama. Ung kaclose kong pinsan naman nasa probinsya pa, may inaasikaso pa kasi.
Mga 10 na nung nagkita kami ng nanay ko sa parlor, binilhan ko pa siya food muna.
Then, ayun, nagpaayos pa kami. Sabi ng baklush ke mama "Kamukha niya si annabelle rama!"
Haha, kalurkey! Eh hiniritan ko pa si mama, sabi ko "Edi, ako ung anak niyo, si ropa!"
haha. kaso humirit din siya "Onga anak, kamukha mo na si ruffa, kaso kasing katawan mo si richard."
AY wow. Haha. Ganyan kakulit nanay ko. Then after pa ng ceremony, sabi niya. "Kiskisin mo lampara mo! Para lumabas na ung genie!"
Pasaway diba?
Ang saklap nga pala. Wala akong dalang camera, ung phone ni mama na maganda ung cam, wala ng batt.
O kay saklap. Pero natutunan ko sa aking mga kaibigan, dumikit na lang tayo sa mga may cam, para if ever nagyaya sila ng pic, eh nasa radar ka nila, at mahihila ka na rin.
Ok lang sa akin kung sa the pit lang ako pinakain ng nanay ko. [Kasi nagugutom na talaga siya, at di na siya makapaghintay na makapunta kami sa Alabang].
Masaya pa rin ako. Sobra ilang beses ko kiniss si mama, nagtthank you ako.
Kasi siya talaga ung alam ko na ayaw niya ako magnursing kasi ayaw na niya ako mahirapan pero sinuportahan pa rin niya ako.[di tulad ni dadi na iniisip niya na nakakahiya daw ako, bakit nursing.
Oo nga pala. Bago ako umalis.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Baka may nagcapping and pinning ceremony din dyan. Experience ko lang 'to. Baka angkinin sinuman na naman.
I'm a selfish blogger, I blog for myself and the things na makakaisip ako ng parang kapareho dun na experience ko.
Teritoryo ko 'to. Blog ko 'to. Anuman ang nandito, iyon ang experience ko. Malay mo ba kung nag-usap kami nung gusto ko dati? At malay mo ba na nasakto lang sa problem mo.
For me lang naman, if you have a problem, it does not mean na ang mundo ay umiikot na sa iyo at sa problema mo, di rin ibig sabihin, lahat ng tao, ikaw ang pinag-uusapan at lahat ng reaksyon nila ay patungkol sa'yo.
It's not always about you.
Nabad trip lang talaga ako.
Sabi mo pa, "sa iniisip namin" eh blog ko nga 'to, ako lang mag-isa 'to, di naman ako puppet.
Inassume mo kasi kaagad na ikaw yun, kaninang umaga tinxt mo ko kung online ako.
Sana you message me first, since nagtext ka na rin naman, tinanung mo muna ako, kung anu tinutukoy ko sa blog ko. Eh nung ceremony, napaka-buddy buddy ko pa.
O sige, maflatter na lang ako kungware na naapektuhan ka todo sa sinulat ko.
FYI lang, I was thinking of myself before when I was writing that, binabalikan ko ang dating ako.
Grabe, I feel so irritated defending myself, kasi feeling ko I don't have to explain myself naman talaga,but since i think of you as my friend naman talaga [O, baka nag-aassume din ako na friends tayo?!] kaya ayoko ng feeling na iniisip mong ganun ung sinasabi ko. Gosh.
o baka mag-assume ka na naman inaaway kita, ineexplain ko lang.
Assumer.
Labels: assumer, capping, friends, happy
Sunday, November 11, 2007 ++
Sumagi ito sa isipan ko kagabi. Madalas kasi natin sinasabi na "The truth hurts". Pero, sinasabi din natin na "The truth will set you free".
So ibig pag sabihin nito, the truth will hurt you, but on the brighter side, it will set you free.
Honest. Yan ang madalas nakalista sa mga ideal friend or partner in life characteristics. Pero, sa totoo lang, kaya ba natin ang katotohanan?
Feeling ko, nagtatapang-tapangan lang ang mga tao. Di naman talaga natin kaya minsan ang katotohanan. Sige nga, pag pinagpalit ka ng syota mo sa mas magandang babae o mas gwapong lalake, at tinanong mo sa kaibigan niyo kung sinu ba ang mas maganda o gwapo sa inyo, matatanggap mo ba kung isagot nila e isang masaklap na "oo"?!
Malamang hindi, diba?
Pero sa mas malalim naman, ano ba ang mas masakit? Pag sinabi natin ang totoo nating nararamdaman o "protektahan" ang iba at magsabi ng kasinungalingan?
Sa tingin ko, honesty is the best policy pa rin.
Mas madali kasing sabihin mo na lang ang katotohanan, ang tunay mong nararamdaman. Kasi kung masaktan man ang sinabihan mo, at least madaling makarecover ung tao.
Kailangan pa bang gawing komplikado at palakihin pa ang problema?
Parang sa akin, mas madali atang sabihin ang katotohanan na, para isang blow na lang. Mas madali ko ng iiyak, intindihin at i-let go na.
Meron kasing mga tao na di nila kaya ang katotohanan. Parang pag sinabi nila sa'yo ang totoo nilang nararamdaman (e.g. nainlab ka sa kaibigan mo, dn ayaw sa'yo), di nila matanggap, parang, bnblock nila ung sinabi sa kanila, ang masama pa, sinisiraan nila ung taong un.
Sobra silang bitter. Okay lang sa akin ung nasaktan sila, magbitter sila. Pero sana, wag nila pag-isipan ng masama ung naging honest lang naman sa kanila.
Ung tipong sasabihin natin na baka niloko lang tayo. Isipin natin na kung mahal talaga natin sila, di natin sila iisipin bilang loko-loko dahil naging honest lang sila.
Siguro ay naguguluhan na kayo. Medyo mahirap kasi ipaliwanag.
Halimbawa na lang.
Aaminin ko, dumaan ako sa punto before na niblock ko ung sinabi niya sa akin. Hanggang ngayon di ko naalala ung sinabi niya talaga, and that is my biggest mistake [take note, biggest mistake, indi regret.]
Di ko kasi tanggap. Ang hirap naman kasi talaga tanggapin. Inisip ko after, baka lokohan lang talaga. Baka naglaro lang kami. Naloko lang ako. Baka loko-loko siya. Pero salamat na lang may mga kaibigan ako na sinabihan ako. Naging kaibigan ko rin naman siya, at unfair naman siguro sa kanya kung iniisipan ko ng masama ang character niya. May pinagsamahan naman bilang magkaibigan, at kung kaibigan talaga ako, matuto akong magtiwala sa katauhang pinakita niya sa akin.
Alam ko, mahirap tanggapin ang katotohanan pero minsan, kailangan mo lang talagang tanggapin.
Wag na nating sirain ang magandang memory na iniwan nila sa atin.
Just accept it, let it go, and move on.
Haay, ito ba ang naiisip ko pag isang araw lang ang weekend ko?
Labels: friends, memories, moving on, random, truth
Saturday, November 10, 2007 ++
Wala naman talaga. diba? kasama ko si lou sa may library ngayon.
Siyempre, suki na kami ng internet. haha.
Ayon.
Masaya sana sa DR ng tondo medical.
wag sana kami masaksak.
Wala sana himatayin sa amin habang nasa loob ng delivery room.
haha. wala, naiisip ko lang yan ngayon.
Naisip ko din, ang hirap pala magblog.
Parang responsible ka dapat sa lahat ng sasabihin or ilalagay mo.
Mahirap pag maraming nakakaalam, kasi minsan, may gusto ka iblog tungkol sa point of view mo.
Pero mahirap na. Last time pa ako ganito. Sa blog ko din dati. Haay.
Labels: blog responsibility, college, friends, UST
Wednesday, November 07, 2007 ++
Alam niyo ba kung nasaan ang aking Ina ngayon?!
Siya ay nasa concert ni Beyonce. VIP pa siya.
HUWAAAAT diba?!
sabi lang niya sa text niya sa akin kanina
"D2 na ako d fort. Tgal mgpapasok. D n ako Mandy Moore."
At alam ko ano meron sa the fort ngayong araw. Ilang araw ko na iniisip un!
Concert un ni Beyonce e. waaaaaa.
Kasi dati din, pumunta din siya sa concert ni Mandy Moore, kaya tawag ko sa kanya minsan ay mandy.
Sabi pa niya noon, "di ko naman kilala un, pero maganda naman, simple lang. nasa likod nga namin ung mga artista"
Minessage ko siya sa chikka, sabi ko ppunta na ako dun, kakaligo ko lang, magtataxi na ako. 9 pa naman pasok ko bukas at pe lang din naman un.
Kaso nahiya ata siya, pinasok kasi siya ng kaibigan niya, ung asawa kasi nun, parang isa sa mga producer or nagwowork for the producer or something.
Pero kahit na, handa akong mabusog sa pride. :(
Sinabi ko nalang sa kanya na ikuha ako ng autograph o di kaya video.. o di kaya kahit picture na up close lang. :(
Inay ko, kahit di ako kasama, i'm so proud of you, makilala mo na si beyonce. maganda yan.
Papasa na bilang kamag-anak natin. Malaki din kasi bumbum niya.
Labels: beyonce knowles, cool ang aking inay, mandy moore, nanay
Tuesday, November 06, 2007 ++
I woke up at around 5.30.
Still have time to prepare and go to school.
But, I was too lazy to get ready.
Sorry, I'm just lazy.
Argh, I wanted to message my friends, telling them I'm not in the mood to go, but unfortunately, got no more load.
I know I should have went to school, but somehow, I'm just really feeling shitty.
Haay. :(
Labels: shitty feeling, skipped school cause i'm lazy
Monday, November 05, 2007 ++
I found this on my old wallet. I think I wrote it when I was in 3rd-4th year high school. As in nakita ko siya, feel ko ung paper is from my Ako'y Batang Maynila notebook pa. Maybe I was thinking of Mr. P that time. Haha, pero syempre, di kami ganyan noh! I added some things.. Ung red, un ung dinagdag.
Sobrang heartbroken ka ba? Iniwan? Pinaglaruan? Tinwo-time? Huhuhu.. Iyak ka na naman. Then you're starting to believe that this kind of love-bf/gf kind- isn't really for you. In short, you stop believing in love. Ang saklap naman nun. Parang kulang na lang eh kantahin mo na lahat ng break-up songs sa videoke at magpakalunod sa alak. Wag ganun, papanget ka.
And then...bigla na lang siya dumating sa buhay mo. Simpleng kapitbahay, ka-eskwela, kaklase, kapartner sa lab, kabarkada, kasabay pauwi. You often have long meaningful talks. It's like he says the right things at the right time."He's the one", sabi naman ng friends mo. Siya nga ba ang hinihintay mo? Baka naman panakip-butas mo lang siya? Anyway, you began spending more time with him. Napapatawa ka niya.. ngumingiti ka na ulit. Masaya ka kapag kasama mo siya. Nag-aasaran pa nga kayo e. Pati friends mo inaasar na kayo. You keep saying "Wala naman ah, nyek!" Oo nga. Wala naman. Hurt ka noh? Then isang araw, it suddenly hit you, mahal mo ata siya. You got mad at yourself for feeling something like that for your friend. It's like your betraying him, taking advantage of the friendship. Sayang ang friendship. Para ngang lumabas ang angel at devil sa mga balikat mo, at sila ay nag-aaway about your feelings. Iniwasan mo siya. You consciously planned where you're walking to during classes so that there will be lesser chance of you bumping into each other. But there were times that you can't control destiny, you would pass by each other, without you even looking at him, but you know he's looking... watching... waiting...
Ayon na nga, nagkalayo kayo. Yehey ba? You moved on with your life, and the last time you've heard, it looks like he moved on with his life also. But fate has its funny way of sneaking up on you. One day, nagkita kayo- accidentally of course. Nagkayayaan maglunch. Nagkakwentuhan. May girlfriend na daw siya, ikaw din kinwento mo boyfriend mo. Di maiiwasang mabanggit ang pag-iwas mo dati. Kung bakit bigla na lang kayo nagkalayo. Even though you have a boyfriend now, your heart can't help but beat a little faster when you saw him. This is it, sabi mo sa sarili mo. Nag-confess ka naman. He was just listening while you told him what you really felt at that time.
Haha, sori mahaba siya. Sa nagbasa talaga, salamat. Okay lang ba? Pag di niyo sinama un red, ung orig talaga, mas maikli.. hehe.
Napangiti na lang siya.
Thursday, November 01, 2007 ++
Bought 5 pairs of shoes, 2 for my sisters, 3 for me :)
Bought lots of souvenirs. So people, fall in line.
Bought lots of food. I'm getting fatter, but don't worry, I know my best angle, Can still cheat on pictures leh.
Singaporeans are like singing everyday. with leh, liao. lmao, lah, aiyah.
So funny.
And I'm starting to talk like one also. Haha.
Labels: shoes, shopaholic, singapore
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.