Monday, December 24, 2007 ++
I greet you all a MERRY CHRISTMAS!
I have to admit this is not my usual Christmas.
We don't have a Christmas tree. We didn't go to Christmas Eve mass. No one prepared the Noche Buena.
But, all I can say is, I'm still happy.
Because this Christmas, I was reminded that it's not about the gifts and the food you eat, but with whom you celebrate it with.
I was with my ate joy, her kids, ate sheena and my dad.
:) Kayo ba? Masaya ba pasko niyo?
This Christmas I learned to be happy and thankful with what I have right now. It doesn't mean you should stop hoping for something better. It's more like be happy today but be open to whatever happens tomorrow.
I still hope that I will have my 'complete" Christmas celebration next time.
I hope I could go swimming in Bellevue tomorrow morning with my nephew. :D
Labels: Christmas, family, happy
Saturday, December 22, 2007 ++
I am squirming here in my seat. As in sobra, di ako makasigaw kasi magugulat tatay ko. Haha.
Pero sobrang kinikilig ako sa Coffee Prince.
Hahaha. Hay naku ung naniintriga dyan, wala nga si Cetrinets. Does not exist!
Alala ko nung summer, sobrang marathon ako ng mga korean drama.
Medyo cliche-ish na ung kwento nung iba, pero may something na kilig factor talaga.
Sobrang nagiging brutal ata ako pag kinikilig. Nakakaawa ung unan kong baboy, halos maflat na siya. Ahahaha.
Pero may downside ang aking pagkakilig.
Napapaisip ako. "Ganun ba ako ka-unattractive at ang mga ganitong bagay ay hindi nangyayare sa akin?!"
Kailan ba ako huling kinilig dahil sa isang action na directed talaga sa akin at hindi dahil sa mga palabas o kaya mga picture ng crush ko?
Haha, kadire. Siguro mga 1 year, 10 months and 5 days na.
Haha, pagalingan na lang sa pagcompute kung kelan un.
Grabe talaga, Nakakadepress!
Parang naiisip ko, di ba ako puwede makaexperience ng dapat maexperience ng age ko sa mga panahon na ito?
Alala ko tuloy ung freedom wall sa EspaƱa Catwalk, ang tanung dun ay "Malamig ba ang pasko mo?"
Sagot nung isa "Hindi! I have my friends naman e."
Anak ng defensive yan oo.
May mga nagsagot pa "Inde, may jacket naman ako."
Sus ko po.
Pero di ako choosy. Lilinawin ko lang, May nagccontest kasi dyan, choosy daw ako.
Eh wala naman choices kaya! haha. Bully.
Labels: coffee prince, kilig, malamig na pasko
Friday, December 21, 2007 ++
Kinikilig ako. haha
Labels: kilig
Monday, December 17, 2007 ++
...? Ramdam niyo ba? Ako, medyo hinde. Aww :(
Pero..... Bagong layout na lang! hahahaha
Wala lang, tatlo test ko bukas, Nutrition, Physics at Ethics... In short, isa lang. haha Nutrition lang! haha
Joke lang, baka bumagsak pa ako dun sa dalawa. Anyway, masaya ang bonding moment kanina sa Starbucks... but butas bulsa ko agad. Di naman kasi mayaman, ay c Lou pala mayaman. Oops, wag niyo siya kikidnappin! Baka maimbyerno kayo.Haha. Pero fun naman talaga bonding..!
May sikreto akong bubunyag!
Si Lou, mantika ang lip gloss!!
Hahaha, kaya ingat ingat na siya wag maihipan baka mamuti sa sebo. Hahaha.
Labels: bonding, Christmas, exams, Starbucks
Thursday, December 13, 2007 ++
...will someone help me stop it?
It sucks being a kid dealing with grown-up problems.
Pero, salamat na lang, forever bunso talaga ako. Lab na lab nga ata ako. Kausap ko ung panganay kong ate kanina.
Ako: Ate, bakit ganyan suot mo? Parang pumapayat ka ah. :)
Ate: Wala akong pera.
Ako: Pero hindi nga.
Ate: Payat talaga ako dito.
Ako: Sayang, gusto ko pa naman magsinangag express.
Ate: ~_~ Gusto mo ba talaga?
Ako: ^_^
Ate: Fine. Halika na, pakainin na kita.
Wait, break sa pagiging emo. Nakakatawa kanina ung mga baklang nakatabi ko sa fx. Gwapo pa naman biglang nag-usap sila. Sa "meylvar" daw cla bababa. Un pala sa Gen. malvar! Then nag joke sila, Ang ganda daw ng pasukob.. tawa tawa. then biglang humirit ng "Pasubo kaya?!" Ahahaha. then pahinhin effect pa. Sabay nglabas ng pressed powder ung isa. Hahaha..
Isa pang funny moment, nanonood ako ng Maging sino ka man book2
Lena: Anung shampoo gamit mo?
Jackie: Ha?
Lena: Parang ang tibay pa rin kasi ng buhok mo pagkatapos kitang sabunutan.
Hahahaha...
Labels: bunso, growing up, maging sino ka man, sinangag express
Sunday, December 09, 2007 ++
As in OMG!
Napapa-mariel ako.
OMG kuya, I'm like so gonna die na!
Kasi naman, nag stopover kami sa Caltex.
Nag-cr. Nagayos ng kunti. Then kinuha ko wallet ko sa car then hinabol ko sila ate na papuntang jollibee.
And then...
Ate Cheng: Ui, si Gerald un dba?
Ako: Ha? San?
Ate Cheng: Ung nasa starex.
Ako: Waaaa! [as in todo with matching kilig face and body actions pa.]
Nakakahiya. Di ko naman siya trip pag nanonood ako. Nalabas siguro ang tinuturing ni Freud na innermost desire ko.
Nagwapuhan pala ako sa kanya.
Pero seriously, gwapo nga.
Pinagtawanan tuloy nila ako. Para daw akong timang na nstarstruck pa.
Sabi pa ni ate Cheng, todo mukha daw ako nagpanic. Ang slow ko daw, dapat pumunta ako dun at sinabi ko papicture.
Eh may dignidad pa naman ako.
Waaaaaaaa.
Labels: gerald anderson, panic, starstruck
++
Ang karma pala ay mabilis. Kasi naman nung friday, pauwi na kami ng Pangasinan, eh naisip ko mag-aabsent na lang ako sa NSTP ko sa linggo, sabihin ko may sakit ako. Ayun nga, habang nasa mcdo ako eh may sinat na ako. Dahil sa infection sa aking lalamunan at may sipon pa. Fever secondary to throat infection.
Haay pero, tuloy pa rin kami sa Pangasinan! Siyempre, kasal un ng paborito kong pinsan. Haha.
Pagkadating ko dun, di ko man lang alam na bridesmaid na pala ako.
Well, years after, I'll look back to this wedding and think "Leche, dun nagsimula ang pagiging bridesmaid ko, never na naging bride."
Haha. Di naman ako excited.. pa. haha.
Civil wedding nga un e, na may halong traditional Filipino church wedding.
Muslim naman na talaga pinsan ko, nagpaconvert siya para dun sa lalake. At kasal na sila sa Singapore, pero gusto lang nila kasal din sila sa Pilipinas.
Ang sabaw nga ng Mayor ng Labrador e. Parang timang lang. Tama ba naman at the middle of the ceremony eh naghomily at nagbanggit pa tungkol sa sex?! As in positions.
Ako naman eh todo explain lang ke Efy [friend ng pinsan ko, siya ung maid-of-honor] tungkol sa nangyayare. Mga symbolisms and stuff.
Muntik na ako ma-madel [nosebleed] sa kakaenglish nila.
Then nung reception na, siyempre may throwing of the bouquet. Eh bastusan kasi ung mga tao, nag eat-and-run ung mga halos. So natira lang e tipong family namin at ung mga friends ng pinsan ko galing Singapore.
Eh mostly lalake dn sa 3 babae, 2 lang ung single. Sinabihan ko nga ung ate sheena ko na wag sumama. Ayoko p nga. Haha.
Kaso, no choice, kailangan niyang sumama at pati ako, pampadami daw. Wow.
Sinama ko ung niece kong 3 yrs old. Feeling single din kasi siya.
Pagkahagis ng bouquet, di naman kami nagpatayan sa sinung makakakuha. Pero ako'y nagulat, nagland sa unahan ko. As in nasa paanan ko siya.
Nagtinginan sila sa akin... Waaaa. Anung kahibangan 'to!? Ang ginawa ko eh pinapulot ko sa niece ko. Haha, natuwa naman siya. Pero pinaulit sa amin dahil di daw pwde un, bata kasi.
Ako ba?! di ba ako bata?! 17 pa lang kaya ako...
Ayun, inulit namin, si Efy nakasalo. Hahaha.
After nun ng night swimming pa kami. Then pumunta kami dun sa club sa may resort. Nag-iinuman sila, inalok ako nung isa sa mga kaibigan ni pinsan, eh katabi ko si mama. Ayun tuloy, napa-hindi ako. :( haha. tinira ko na lang pulutan nila. Nasasad nga ako e, walang sisig. Bawal nga kasi pork sa kanila. Pinagtyagaan ko na lang ung mani at ung onion rings na pinaorder nila para sa akin. Haha.
Pagkagising ko ngayong araw na 'to, di na ako makapagsalita.
Labels: bouquet, bridesmaid, family, pangasinan, wedding
Tuesday, December 04, 2007 ++
Alam niyo ba date ngayon? Dec. 4.. 4 months to go na lang before April 4.
Anu ba ang meron dun? Birthday ko. 18th birthday ko pa.
Haay. Bunso pa naman ako sa apat na babae. Si Ate kate lang ngdebut party pa lang sa amin. May swimming pa un. Private pool pa. Then ung panganay pumunta ng Singapore mag-isa. Sinundan pa siya ng jowa niya. Sweet. Ung pangatlo, kinuha na lang niya ung pera. Then, nilibre niya kami sa isang trip sa Corregidor. Buo kami nun.
Buti pa sila may choice. Buti pa sila pinapili. Feeling ko eh parang nasa "schooler age" ako ngayon. Ung naiinggit sa wala siya.
Sabi ng tatay ko sa bawat paalam ko sa debut. "Wag kang umasa na magbbirthday ka."
Pwede ba un? Di ako tatanda? Wow noh?
Ang sakit talaga. Sabi ng mga ate ko pa. "Wag ka na dn magparty noh? Maaksaya lang ung pera, isang gabi lang."
Wala man lang nagbabalak magtanung anu gusto ko. Actually tinanong nila... pagkatapos nila sabihin yan.
Siyempre, anu naman sasagot ko? Nanahimik na lang ako.
Parang toddler, gusto ko naman na may choice ako. Ung ma-assert ko na I'm in control of my own birthday.
May ADHD ata ako. Gusto ko kasi sa debut ko. Lahat ng friends ko at family ko andun. Ung tipong lahat naman sila masaya para sa akin.
Kasi, ever since, wala pa akong successful birthday party na tipong friends ko talaga. If ever man, parang sobrang unhappy or napaka failure pag nagcecelebrate kami.
Ilang years na ako umiiyak tuwing birthday ko. Siguro mag 4 years na ngayon. Napaka significant naman ng 4 sa akin.
Gets ko naman kung walang money, pero sabihin na wag na ako magcelebrate.. Ultimo mahirap nga e, kumain lang ng lechong manok pag may kaaarawan masaya na sila. Eh di naman kami squatting.
Kaya kagabi nag-isip na ako ng plano ko.
Plan A: Hihingi ako ng pera. Papakainin ko sa fishball stand or kiss ang mga kaibigan ko. Masaya na yon.
Plan B: Yayayain ko nanay ko. Either balik kami singapore o punta kami S. korea. San man pwde.
Plan C: Sikreto dapat 'to, pero sige, it involves me, myself and i... and barhopping, overflowing booze with some nicotine. Tuluyan na natin.
Original ko talaga na gusto. Kahit simplend debut lang. Kahit pasara lang namin ung street namin dito.
Pero magulo nga pamilya namin. So mas gugustuhin ko pa wag na magbirthday kesa naman magkagiyera at magpark pa sila ng tangke sa party ko.
Eh basta, diretso na sa Plan C?
Labels: 4, birthday, family, pedia notes, Plans
Saturday, December 01, 2007 ++
Sayang talaga kanina, di man lang kami nakapasok sa loob ng Delivery Room. Last day pa naman namin for this shift, next punta namin dun, tipong 4th year na.. aww..
Sobrang enjoy naman ang last day namin. Fun kasi si Mam Tanodra. Nakakaaliw talaga si mommy. hahaha. Inaasar kasi nila ako kamukha ko daw. Nag grocery pa nga si Mahal ng pandesal, cheese whiz at eden cheese. Parang nagbibigay lang kami ng rasyon ng pagkain kanina sa nasalanta ng bagyo. Nakakaawa nga lang si Faith, kasi nagsusuka siya :(
Anyway, kung di lang sa mahirap na test eh perfect na sana araw ko. Haha. Pero, it's still okay kasi, I didn't even study, pero 38/70, ay... Nakakahiya pala un.
Eh basta masaya naman dahil maraming pictures. Ako na walang camera eh maraming pictures, Inangkin ko kasi cam ni Francis e. Haha, kahit na di ko naman siya ka-RLE. At nakakapagod na photographer c Bart, parang timang lang sa kakagalaw ng camera. Professional daw kasi siya.
Sobrang FHM models pa cla Mam Abby, Mam Tanodra at Mam Matienzo. Aww. I would surely miss going to TMC. haha.
Maaga na kami dinismiss. Salamat na lang ngpaload ako, natxt ko si Ate joy at siya pala ay nasa MOA. Ayun, todo punta naman ako, kasi alam ko di niya ako matitiis at papakainin niya ako. Haha. The powers of being bunso.
Ayun, nagttrabaho kasi siya bilang consultant for Allerta, at 3 pa tapos eh may 2 hours pa ako, kaya nag-ikot muna ako sa may SM.
Napag-isipan ko ng bumili ng gifts for my dearest pamangkins. Grabe, apat na sila! 4, 3, at 2 ung ages nila, at ung isa Coming Soon this December. hahaha. Parang Next Attraction lang ung baby.
Nakamagkano din ako. Nawala ata lahat ng ipon ko. May secret pa ako, may damit kasi ng baby na kala ko terno for 89.75. Sabi ko pa wow mura. Nung pinakita ko na sa ate joy ko ung napamili ko. Nakita ko na lang magkaiba pala ang bayad sa shorts at sando. Tig-89.75 each dapat. Waaaaa. Wow. Nakamura ako. Nadaya ko si Henry Si. Nahihiya na akong bumalik, baka isipin nila e magnanakaw pa ako.
Nung pauwi na kami ni ate, ang kulit ng mga pinapatugtog niya. Sobrang Girl Power daw ba!
Namiss ko tuloy ate ko. Dati kasi nung bata ako, siya nagpapatulog sa akin pag siesta. Pinapatulog nia ako sa sala pero ang lakas ng radyo niya. Wow dba?
Sobrang kumakanta pa kami kanina. Feeling Destiny's Child o di kaya Pussycat Dolls lang kami. Eh epal kasi ung nabili niyang CD, putol putol lahat ng kanta. Di man lang tinatapos ang pag-eemote namin. Then meron pang Spanish version ng Irreplaceable na kinakanta naman niya sa english. Magaling siya, kungware daw tntranslate niya.
Feel na feel ko pa ang Bootylicious at Don't cha. Napapaindak tuloy ako. Baka marinig ko na naman mga kaibigan kong tawagin akong Margarina.
Speaking of bootylicious, ito ang conversation for the day ko.
Ako: Nakakainis, di man lang tayo makapasok sa loob ng DR. Sinung may balat sa pwet sa atin?!?!
Cyril [rle-mate ko] : (Syempre english) Me. I have a birthmark there.
Ako: Ha? (di dahil di ko naintindihan english nia, kala ko kasi ngjjoke xa). Seryoso ba iyon? hahahaha.
Faith/Madel [di ko sure kung sinu na sa kanila ang nagsabi] : Di nga?
Cyril: Yeah I'm serious.
Natigil ang pagtawa ko nun, seryoso pala siya. haha.
Labels: duty, family, rlemates, tmc
Site Information ++
Best viewed: Mozilla Firefox. COmpatible with: Netscape, IE5+, Firefox.
No Javascript.